tagal ko nang gustong mag-update pero wala naman akong maisip.. di ko alam kung ano bang nangyayari sa akin.. lagi na lang wala sa hulog magsulat.. lagi na lang walang gana.. :( alam ko na kung bakit…
may iniiwasan kasi ako….
iniiwasan kong magisip masyado.. dahil kapag nangyari un, wala na, di na naman ako titigil kakaisip hanggang sa malungkot na naman ako.. lately, malungkot ako.. wala na nga atang katapusan ang kalungkutan na nararamdaman ko.. parang kahit na mawala ako sa mundong ito, wala nang makakapansin.. wala nang magaalala.. di ko pa naman balak tapusin ang buhay ko, pero kapag malungkot ka kasi, di mo maiiwasang magisip ng kung anu-ano..
gumawa ako ng myspace account.. bakit? di ko alam.. parang di pa enough ung may friendster, multiply at blog.. gumawa ako nung account eh ni hindi ko nga alam kung mau-update ko ba un.. siguro oo, malamang hindi..
na-mimiss ko na rin ung dating buhay ko dito sa blogging.. dati ang daming tao dito.. dati active talaga ako.. ngayon parang wala na.. ni hindi ko na nga rin nadadalaw ung mga nasa links ko.. nakakamiss ung madaming comment, nagkukwentuhan ung ibang blogger dito sa bahay ko.. nakakamiss ung dati.. pano ko kaya maibabalik ung dati? sana maibalik ko na un….
isa sa mga naiisip kong dahilan kaya wala nang bumibisita sa blog ko eh dahil sa mga walang wenta kong post.. malamang.. dati kasi nakakapagsulat talaga ako ng matino.. ngayon, wala na.. wala talagang inspirasyon.. kahit ako, di ko maloko ang sarili ko na magpost ng masaya kung malungkot ako.. nakikita kasi sa post ko na pilit akong nagpapakasaya…
simple lang naman ang gusto ko.. ito ay ang ma-appreciate naman sana ako ng ibang tao.. right now, i dont feel important at all.. lahat halos ng mga minamahal ko umaalis at iniiwan ako.. i feel so sorry for myself.. kaso wala naman ako magagawa.. di ko naman pwedeng sabihin na pwede bang di sila umalis..
i just feel down.. :( all i need is someone na alam kong nandyan nga para sa akin.. di ung hanggang salita lang….
may mabibili bang ganon online?!
–out of topic mejo–
kahit pala di na ako masyadong active sa blogging, base sa quiz na nakuha ko kay karlo ng http://www.pinoyblogero.com, eh addict pa rin pala ako sa blogging.. :)
–end ng out of topic–













tama! iwasang magisip masyado! nakakapagod yan donya! haha! matulog na lang tayo! :)
ano to ha karmimay???! magtigil ka nga dyan at baka masabunutan kita ng todo!!! tara… inuman na lang!! ang lakas magyaya eh… hahaha!! musta pala ang 4th of july mo??!
mamaya, mag-chat tayo tapos webcam na rin!! pag nakita mo ako… sasaya ka! hahahahaha!!! ang kapal!! sayang kasi last time.. ang tagal mong bumili ng chip sa internet, ayan.. nakatulog tuloy ako!! see yah…
huwaw ang ganda nito ha :) buti ka pa nakakapagkalikot ng blog ako hindi :( … tawagan kita minsan ha ..miss u!
hi karmi! oo nga pag inisip mo yung dati parang ang saya, ang gulo, ang daming tao sa blog no?
Naiisip ko rin yan, pero di magawang i-post, (teka, no-post ko yata,..hmm..hanapin ko, balikan kita).. eto ang mga nakikita kong dahilan:
1. PPP
2. blog2profile
3. payu2blog
4. smorty
5. mturk
……
ang dami pa.. in short.. busy sa salapi, sa pera, sa datung..nakalimutan na bumisita sa mga blogmates, sa mga blogfriends… yan ang palagay ko..
teka, may sponsored post pa ko assignment ha.. hehehe, balikan kita.. :)
Psst! wag ka masyadong mag-isip, sasakit ang ulo mo, sabi nga nila ang ulo para tiyan, sumasakit kapag walang laman! hehehe! Seriously, kung ano man nangyari sa atin dapat lagyan na natin ng perod, there’s no reason on trying to look for reason, dahil wala namang reason, it just happened. Ingat & be happy kapatid!