autobots unite!

Post Info 1 year, 4 months ago by karmi

i think i’ll get a Camaro for my first car! ^_^ ay, mag-aaral pala muna akong mag-drive…

wow.. double wow.. speechless actually.. ngayon lang ako lumabas ng sinehan na mejo shock pa.. ang ganda ng palabas.. sobrang ganda! $19 ang binayaran ko sa sinehan pero worth it.. sobrang worth it… hay.. nasabi ko na bang maganda? as in sobrang ganda ng Transformers?

pinapalabas pa lang ung trailer, gusto na syang panoorin ng kapatid ko.. ako, di masyado.. kasi naman, oo nga naging paborito ko si Optimus Prime pero ilang taon pa lang ako nun.. ni hindi ko na nga masyadong maalala ang kwento ng Transformers.. ang alam ko lang mga robot sila na nagiging kotse.. sabihin na nating napilitan akong panoorin un, dahil off naman ako at wala akong ibang gagawin sa bahay kundi ang humarap lang sa computer.. at heto ako ngayon, nakaharap sa computer ranting about how great the movie was..

everything was great about the movie.. effects, the actors, voice of the robots.. grabe, si Optimus Prime talaga un! simple lang ung storyline and mabilis ung andar ng kwento pero malaman ito.. kung di ka Transformers fan nung kabataan mo o kung wala ka talagang alam kung ano ang Transformers, at papanoorin mo ito dahil lang sa sabi nila maganda, maa-appreciate mo pa rin… hands down talaga ako kina Michael Bay, Steven Spielberg and the rest of Dreamworks and Paramount Pictures for making a great movie.. can’t wait for Transformers 2! ^_^

paglabas ng theather, nagiba ang tingin ko sa mga sasakyan.. feeling ko anytime pwede silang magtransform.. hahaha! wala pa kasi akong tulog nung nanood kami ng sine.. hay naku, wala na talaga akong ibang masabi kundi sobrang ganda nung movie.. kaya panoorin mo ha! ^_^

 

 

Autobots (got images from http://www.transformersmovie.com/)

i so love Bubblebee!!! :D someday I’m gonna drive a Camaro!! hahahaha……

Post a Response Comment icon Posted July 5th, 2007 at 10:14 pm

5 Responses to “ autobots unite! ”

  1. malaya

    Si Bumblebee rin ang fav ko during the cartoon series.
    Hala ang edad ko, nabubuko. hehehe

  2. malaya
    malaya

    Di bale, nasa youth sector pa rin naman eh.

  3. claire

    wow, naeexcite ako sa kwento mo, karmi… gusto ko na ring maexperince yung feeling na yan paglabas ng sinehan.. yung parang nagtatransform ang mga sasakyan.. bukas pa lang kmi manonood ng hubby ko.. eee!! excited na ko!

  4. jlois

    laking transformer ako eh kaya isa ako sa nagkukumahog na nanood nyang movie na yan. sa katunayan dalawang beses ko pinanood eh. Ako sa Autobots si Optimus ang favorito ko sa Decepticons nman si starscream kaya lang iba hitsura nila sa pelikula si Optimus lang talaga ang makikilala mo.

  5. kitty

    hehee lahat ata ng blogs yan ang buzz ano. came here from Claire, grabehh ang ganda ganda ng transformers, hands down din ako, pare pareho ata tayo ng nafifeel sa movie nayan, I’m definitely gonna buy the dvd! woohoo! Oo nga eh can’t wait to see the sequel OMG love it love it love it! nung bata rin ako mahilig ako panoorin yun, pero syempre sa tagal ba naman aysus wala na sa head ko ha haa, pero ganda nuh sarap uli ulitin! =) can I link you btw? add kita ha…

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.