8:40am.
grabe, pagod na pagod na ko, antok pa.. gusto ko nang umuwi.. buti na lang on-time ung mga kapalitan ko sa trabaho, kaya on-time din akong makakaalis.. walang OT kaya di ka rin masyadong magaantay sa akin.. alam ko kasing maaga kang umaalis ng bahay para lang sunduin ako..
paglabas ko ng ospital, tama nga ang hinala ako.. andun ka na, nagaabang, nagbabasa ng dyaryo.. nakita kita agad kahit sa malayo pa lang.. sino ba naman kasi ang hindi makakapansin sayo, eh ikaw lang ata ung laging nakaupo dun sa bench na un.. parang nilagyan mo na nga ng pangalan dahil tayong 2 lang talaga ung nakakatambay dun.. tumingin ka sa relos mo sabay angat ang ulo patungo sa direksyon ko.. ngumiti ka sa akin.. tumayo, nilapitan ako at hinalikan ang aking pisngi.. sabi mo uwi na tayo.. ngumiti lamang ako at hinawakan ang iyong kamay.. tanggal ang pagod at antok ko, dahil kasama na kita..
mejo matagal ung bus, pero ok lang.. kwentuhan galore naman ang nangyari sa atin.. mga nangyari noon, mga plano sa hinaharap, mga pangarap nating pareho para sa isa’t-isa.. sabi mo magsoundtrip tayo, kaya nilabas ko ang aking PSP.. kaw ang pumili ng kanta.. maya-maya lang ay naririnig na nating kumakanta si Ebe…
Wag ka nang umiyak, sa mundong pabago-bago
pag-ibig ko ay totoo
ako ang iyong bangka, kung magalit man
ang alon, ng panahon, sabay tayong aahon
Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Di kita bibitawan
habang kumakanta ang Sugarfree, tiningnan mo ako sa aking mga mata.. hinawakan ang aking mga kamay, di naman mahigpit, ung tama lang.. sabay bulong ng “Di kita bibitawan”.. kahit na malakas ang patugtog natin, rinig na rinig ko ang mga salitang sinabi mo.. di mo ko bibitawan.. di mo ako pababayaan… gusto kong umiyak ng mga sandaling iyon.. niyakap kita ng mahigpit at sabay sabing “Di rin ako papayag na bitawan mo ako…” di ako papayag…
9:00am.
ilang minuto na lang nandito na ung bus.. tapos na rin ung kanta.. ..di kita bibitawan… parang totoo.. parang ikaw nga talaga ang nagbulong nito sa akin.. tiningnan ko ang aking mga kamay, parang hawak mo nga ito.. pakiramdam ko rin ay may isang pares ng mga matang nakatingin lang sa akin, nagbabantay.. ramdam ko na nasa tabi lang kita..
di man tayo magkasama ngayon, alam kong nandyan ka lang.. alam kong di mo ko hahayaang masaktan..
naniniwala naman akong di mo ako bibitawan…