karmi invaded CA

Posted almost 5 years ago blabbers

i don’t know where to start.. really..

ang dami kong gustong i-kwento kaso kulang ata ang isang post lang.. kaya malamang mga ilang beses kong babalik-balikan ang aking naging bakasyon sa California.. ^_^ na-update ko na ang aking friendster at multiply accounts, kaya ito na lang blog ko ang mejo huli sa balita.. wala rin kasing oras dahil pagkagaling sa bakasyon, pasok agad sa trabaho.. kaya ngayon lang nakapagupdate talaga…

miss ko na rin kayo… ang aking mga fellow bloggers, mga avid readers at lahat ng natatalisod dito sa aking blog.. mejo napabayaan ko na nga ata itong bahay ko dito eh.. pero di naman ako mawawala, pasulpot-sulpot lang minsan.. ^_^

aun.. start na ng kwento.. pipilitin kong maikwento lahat.. ^_^

ano nga bang pinaggagagawa ko sa aking bakasyon? hmmmmm….

mag-isa lang akong nagtravel mula San Antonio hanggang Sacramento.. pers time kong ginawa ito kaya naman excited na kabado.. excited dahil sa wakas, independent na ko.. kabado dahil, independent na ko.. hehehe.. naging maayos naman ang biyahe ko.. nagpicture taking with the clouds.. senti-sentihan sa loob ng eroplano.. masaya na malungkot na magbiyahe magisa.. pero ok na rin.. ^_^

pagkadating sa Sacramento, ti-nour ako ng mabilis ng kaibigan ko sa Downtown.. mas malamig sa Cali kesa sa San Antonio kaya kahit kainitan ng araw at kahit summer, kailangang mag-light jacket..

 

at dahil nasa California ako, isa lang ang unang hinanap ko.. JOLLIBEE!!! kaso, wala pang Jollibee sa Sacramento.. :( kaya Chowking na lang.. ^_^

sa unang araw ko sa Sacramento, nagpunta kami ng Old Sacramento, kumain at mejo uminom ng konti lang naman, naglibot sa aquatic center nila at nanood ng Transformers sa isang drive-in theather.. :) first day palang, sulit na sulit na…

  

second day.. Lake Tahoe, Nevada naman ang punta namin.. ^_^ pero bago un, dumaan muna kami ng State Capitol.. nakapasok pa kami sa opisina ni Arnold Schwarzenegger na syang Governor ng Califonia..

halata bang papunta ng beach? :P

nakapasok din kami sa Senate Gallery nila.. guess who kung sino ang Senate Majority Leader nila…. GLORIA ROMERO! :)

after ng tour sa loob ng State Capitol, diretso na kami sa South Lake Tahoe…

  

pagtapos magtampisaw sa beach, sumakay naman kami sa Gondola.. para makita ang buong Lake Tahoe..

 
halata bang takot? sobra!!! ang taas kasi ng bundok na inakyat namin, para lang makita ito…


pagdating sa tuktok, mawawala ang takot at kaba sa ganda ng tanawin.. kakabahan ka na lang pag pababa na.. :P

pagkatapos kumain ng agahan at tuluyan nang iwan ang napakagandang Lake Tahoe, umuwi muna kami saglit sa kanila at nagbihis.. San Francisco naman ang next destination.. Golden Gate Bridge here i come.. ^_^

2 hours drive din mula Sacramento hanggang San Francisco.. buti na lang may GPS ung kaibigan ko kaya di kami naligaw-ligaw.. pero dahil sa madaming beaches ang California, ang dapat ay 2 hours drive lang, ay mejo mapahaba pa.. dahil gabi na, dumaan muna kami ng Sta. Cruz, California.. anong meron dun? Sta. Cruz Boardwalk.. may fishing port, beach at carnival sa tabi nito.. ^_^

 

sa Highway 1 kami dumaan mula Sta. Cruz hanggang makarating kami ng San Francisco.. kilala ang Highway 1 dahil malapit ito sa coast.. kaya naman mas madaming beach na madadaanan dito.. Pacific Ocean na ung body of water kaya naman, tubig ito galing Pinas.. hay, Pinas…

 

mga 2pm na rin kami nakarating ng San Francisco dahil sa dami ng stopovers namin.. kumain pa kasi kami..


tome jones!!! :P

pagdating pa lang dito sa America, isa na sa mga pangarap ko ang makarating ng San Francisco para makita ang Golden Gate Bridge.. at ngayon, nakarating na ko.. ni sa panaginip, di ko inakalang makakarating talaga ako.. :) at di ko lang sya nakita, nadaan pa namin! ^_^

dream come true talaga.. ^_^ di pala Gold ang Golden Gate Bridge.. hehehe.. :P

nagstay pa kami sa San Francisco ng isang gabi.. kung san-san nagpunta hanggang sa mapagod ang mga katawan at naghanap na ng hotel na tutuluyan…

kinabukasan, nagdrive na ulit kami pabalik ng Sacramento.. pero bago un, dumaan muna kami ng Vallejo, CA.. kakilala kasi ng kaibigan ko ung chef ng Max’s Restaurant dun.. kaya naman, nakalibre kami ng pagkain.. ^_^


with Ate Annie sa Max’s — Vallejo, CA

Sunday afternoon na kami nakabalik ng Sacramento.. matapos magsimba ay nagayos na ako ng gamit dahil babalik na ako ng San Antonio kinabukasan.. ^_^


my second family.. ^_^

6 days lang ung bakasyon ko pero sobrang sulit… ang daming napuntahan, ang daming na-experience.. ^_^

hay.. next stop, New York City!!! ^_^

6 Responses to “ karmi invaded CA ”

  • claire said,

    wow! sarap naman ng vacation mo, karmi… ganda nga ng view sa Lake Tahoe.. ganda ng beach! at si Gloria, Senate Majority Leader.. hehehe.. and the Golden Gate bridge! weee!! thanks for sharing your adventures! mwah!!

  • nelo said,

    ang saya naman dyan sa california…

    wow gusto ko rin yung New York New York..sa may statue of liberty.

  • neng said,

    ang pasaway, sa Sacramento ngayon nagkalat! sana isinama mo ako para naiuwi natin iyang Golden Gate ayus, pati si tita kaya na nating bilhin! :P

    sarap-sarap naman bakasyon, next week pa kami, 3 weeks kaya i see you in September, when summer is gone muna drama ko ;)

    doon na lang ako mangungulit sa friendster tungkol sa mga pics whaaiitt and sheeeh na lang heheheh

    luv yah! mwuahhhh

  • iskoo said,

    ang ganda ganda naman sa SF, at di ka ma hohomesick dahil meron ding filipino resto tulad ng chowking. gusto ko pumunta sa golden bridge balang araw…

  • master said,

    Uy! Naks, Cali girl! Paglaki ko pupunta din ako jan!

  • malaya said,

    wow, tamang=tama, may award ka sa kin!
    Sarap naman ng bakasyon na yan.
    Magbabakasyon din ako dyan mamaya, pagtulog ko. hehehe

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.