mejo walang connect ung title sa post ko ngayon… :P
di ako Harry Potter fan.. ok naman si Harry para sa akin, pero wala lang talaga akong tyagang magbasa ng 900+ pages na libro tungkol sa buhay nya sa loob at labas ng Hogwarts.. napanood ko ung unang 2 movie, naintindihan ko naman pero di pa rin ako nagka-interest panoorin lahat ng movies hanggang sa Order of the Phoenix.. ngayon, released na ang Book 7, ito na raw ung pinakahuling installment ng Harry Potter series.. natapos na rin ang libro, pero may 2 pelikula pang ipapalabas.. ngayong kumpleto na ang series, isa lang ang tanong ko, san kaya ako makakakuha ng mga e-books ng lahat ng Harry Potter books? hehehe..
nagpunta kami ng Walmart nang i-release ung Book 7.. ang daming tao, ang dami ring libro.. kahit san ka ata magpunta ng araw na un, may hawak-hawak silang makapal na libro.. may nakita akong libro na pakalat-kalat sa toy section.. kinuha ko ito at binasa ung last page nung libro.. may tsismis kasi na mamamatay daw si Harry.. ung last line ng libro, “All’s Well”… mukhang di naman namatay si Harry.. aus, happy ending naman pala.. :) balita ko nga nagkapamilya pa sya at may 3 pa syang anak… wow, feeling ko, another series ito!!! :D
bilib talaga ako kay J.K. Rowling.. biruin mo, ang galing nyang gumawa ng kwento.. ang galing nyang magisip ng mga character, lugar at kung pano ung flow ng istorya.. san kaya nya nahuhugot un? i mean, san nanggagaling ung mga naisulat nya… natutulog pa kaya sya? baka pati sa panaginip, nakikipagusap pa rin sya kay Harry… 7 books ung nagawa nya, lahat eh hindi bababa ng 500+ pages.. ilang araw/buwan kaya nyang ginawa ang isang libro? buti pa sya, constantly eh nakakapagisip at may idea.. di tulad ko, itong simpleng post nga lang, umaabot pa ng isang linggo bago magkaroon ng idea… :(
dahil kay J.K. Rowling, may nakilala tayong batang wizard na ang pangalan ay Harry Potter.. sinubaybayan natin ang buhay nya.. 7 years din un ng buhay nya.. mula pagkabata hanggang sa mejo matanda na sya.. dahil kay Ms. Rowling, di na lang isang batang wizrd si Harry, part na sya ng history.. he already became part of history that will be passed on from generations to generations.. dumarami na rin ang mga librong may kaparehong tema ng Harry Potter.. i think Harry Potter will be part of our lives til whenever.. :) hehehe..
matapos kong magawa tong post ko, may isa na lang akong tanong…

pwede na ba akong Harry Potter clone o pwede nang ipalit kay Betty La Fea? :P hehehehe…













alam mo ba, bumili ako ng Harry Potter 1-6 (paperback) sa Amazon.com… mura lang! maghahabol ako ngayon sa pagbabasa, lagi akong niloloko ni Mike e kaya magbabasa na rin ako… nyahahaha!
@rho – balak ko na nga ring bilhin ung anim na books, kaso di ko alam kung mababasa ko lahat.. hehehe.. :P
pero nasa to-do list ko na yan!!! ^_^
haha! ang sipag mo na magbasa ngyon ah..ako kahit sa panaginip ko hindi ko naisipan magbasa ng libro ni harry pataaah…meron kami order of the phoenix sa bahay.
Nabasa ko na lahaaaaat. :> HAHA. Kaya lang di bumili si Dad. XD Nanghiram lang ako. Haha. Galing nga ni J.K. Woooot. ;)
Ganda ng laaaay. :> Cute nung mga colored pencils. Tsaka yung search form. Weee. :> Naaliw lang ako. :)
yep yep bahagi na si harry & gang sa buhay ko din ^^
hooked ako eversince, heehee :D
ngayon ko lang na realize na pwede, may chemistry pala si betty lafea at si harry potter, hehehe. peace!
ako wala ng nababasang book! :( Musta na?
i wanna buy those HP e-books too… and yes, karmi, pwede ka ng maging Harry Potter clone.. :) :) :)
Sis, I have all the Harry Potter ebooks. :P Gusto mo mail ko sayo? Inggit ako, pwede ka magbasa ng ebooks sa phone mo. Palit tayo ng fone pagbalik mo dito. Hahahaha! :P
ang cute ng pic hihi