mae yao guan xi
-
may GF na pala ung akala kong ka-MU ko.. sus, ilang buwan din ung nabuhay ako sa maling akala… akala ko kasi may gusto rin sya sa akin, un pala wala naman.. ang masasabi ko lang sa kanya? MAE YAO GUAN XI…
-
kanina nagcheck ako ng friendster ko.. everytime na lang nagche-check ako ng account ko dun, may nalalaman ako na di naman sinasadya.. lagi na lang ba? hay… ah ewan.. MAE YAO GUAN XI….
-
may mga tao talaga atang nabuhay dito sa mundong ito para lang magpahirap ng ibang tao.. kasiyahan na rin ata nila un.. oh we’ll, sige lang pakasaya lang kayo.. MAE YAO GUAN XI!!!!!
mae yao guan xi.. ibig sabihin? doesn’t matter..
wala na akong pakialam.. kaya mahirap rin ung sobrang attached ang isang tao sa emotions nya… madaling maloko, madaling mapapaniwala.. at aminado akong emotional ako.. pero ngayon, hindi na..
sabihin na nating, natuto na kasi ako sa mga nangyari dati at pinoprotektahan ko lang naman ang sarili kong masaktan ulit.. kaya mas pinili ko na lang na di na masyadong gamitin ang puso ko.. kung ano na lang ung tama, un na ako.. pilitin ko mang maging mabait, nakakasawa na rin kasi.. masyado na akong mapagbigay, laging iniisip ung ibang tao, bago ang sarili ko.. ano ang end result? ako ang dehado.. ako rin ang naiiwan.. kamusta naman un?
pilitin ko mang magmaldita, di ko rin kaya.. nako-konsensya rin ako.. malay mo nga naman may dahilan kung bakit ganon ang nangyari.. siguro nga, pero dapat bang may masaktang ibang tao sa mga desisyon na ginagawa natin? wala naman dapat eh.. pero, kung iniisip lang kasi ang sarili, malamang wala ka nang iintindihing ibang bagay.. basta lang makuha mo ung gusto mo… selfish… eh kung magtinda ka na lang kaya ng isda sa palengke…. hay…
badtrip ako oo.. pero alam kong mawawala rin to…




