sumikat ang Highschool Musical, a year ago.. at ngayong taon nga, nilabas ang HSM2 isang linggo bago magpasukan.. almost one yr din ang inintay ng mga pans para lang sa sequel ng HSM.. kahit ako, inabangan ko rin, di dahil sa isa ako sa mga pans nito, pero dahil sa gusto ko lang panoorin.. ^_^
natuwa naman ako sa mga bago nilang kanta at dance steps, pero simple lang ung mismong kwento.. sabi nga ni kuya rob, mas maganda pa nga raw ang HSM.. well, oo, tama sya.. parang mas maraming nangyari sa HSM kesa sa HSM2.. pero nonetheless, nag-enjoy pa rin naman ako sa panonood.. :) ito ung mga tipong movie na di mo kailangang magisip masyado.. predictable ba? hmmm.. oo, malamang imposible namang magduet sina Troy at Sharpay sa ending eh..
may mga tsismis na may lalabas daw na HSM3.. hmmm.. kung totoo un, gusto ko lang sumali.. hahaha.. mangarap lang diba? libre naman… kaya naman, pinag-aralan ko talaga ung steps ng isang dance routine sa HSM2, gumawa ng video at nilagay sa youtube.. sana lang may makakita noh? hehehe….
asan ung dance video na ginawa ko? syempre, di naman pwedeng hindi ko ilalagay dito sa blog ko? ^_^ enjoy! (sana?)
iba talaga ang epekto kapag kulang na sa tulog, tapos maaga pang nagising… ^_^













