Insert brain

No Comments » September 8, 2007 » 665 days ago
Uncategorized

Nakaupo ako sa sahig ng aming sala't nakasandal ang aking ulo sa may sopa. Alas nwebe y medya na't hindi pa ako nakakausad sa aking sinimulan na number 7 sa CS 131 probset na due dapat last friday pero buti na lang at walang klase. Kahit 3 ang napatay ni 'Egay', 500,000+ na katao ang nasalanta sa dala niyang matinding ulan at malakas na hangin at mahigit 20 milyon ang dulot niyang pinsala, kahit ganun, meron naman siyang at least isang estudyante na natulungan (kahit unworthy naman).

Iniisip ko kung pa'nong gagawin sa number 7, kung saan kailangan makuha yung conditioning number nung given matrix, gamit ang isang formula involving the inverse of the given 4×4 matrix. Ang iniisip ko ay kung tama kaya ang paggamit ko ng GJRM, dahil baka mamaya ay matapos ko ang pag-apply nito 'tas hindi pala dapat ganun ang gawin. Sayang lang.

Naisip ko tuloy na itext na lang yung kaklase ko pati na yung girlfriend ko=) kung pa'nong ginawa nila. At nung oras na iyo'y ginawa ko ang isang bagay na hindi ko kaagad-agad malilimutan. Inabot ko ang scientific calculator mula sa katabi kong center-table-turned-study-table, at nagsimulang pumindot…

Nakaabot ako sa pang-apat na pindot, na nakalimutan ko na kung anu-ano, bago ko narealize na hindi pala ako makakasend ng message na ang gamit ay isang calcu, hehe. Natawa na lang ako. Ewan kung antok ito o nadegrade na ang utak ko kakaisip ng mathematics. Kaya nga't nagpahinga muna ako't sinulat ko ito ngayon.

Ang sabihin mo, buti na lang at hindi ko paulit-ulit na pinindot yung equals, sa pag-aakalang 'message sending failed' ang 'syntax error' at maasar kasi wala atang signal, sabay tapat sa ilaw ng solar panel nung calcu. Hindi pa naman ako ganun kabaliw, at least ngayon hindi pa.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.