9/11 – anim na taon nang nakakalipas nang mayanig ang buong mundo dahil sa 9/11 tragedy.. at bago ako magpost, aalayan ko muna ng dasal ang lahat ng mga naging biktima at mga naging bayani ng araw na ito…
*praying mode*
ok, post na.. ^_^
Sept. 11, 2007 – isa sa pinakahihintay kong araw.. muntik nang matalo ang pasko at beerday ko eh.. ngayon na kasi ilalabas ung DVD ng last season ng CHARMED! waaaa.. makukumpleto na aking kolesyon… yahoong-yahoo….. nag-under time ako sa trabaho para lang makabili.. kahit umuulan, sugod pa rin… sabi nga ng aking mahal na bestfriend, di naman daw ako masyadong excited.. di naman masyado, tamang gusto ko lang.. :)
pagpasok pa lang ng Walmart, un na agad ang hinanap ko.. kahit gutom, aus lang.. pwede namang kumain pagtapos.. tuwang-tuwa ako sa galak.. sa wakas, nabili ko na rin!!!

yahoo!!!
paguwi ng bahay, di rin nakatulog agad dahil pinanood ko na ung bonus features… parang pasko talaga!!! ^_^ so happy… hehehe..

sa wakas.. nakumpleto rin!!! ^_^











