super SOMETHING…

Posted almost 5 years ago so random

na-feel mo na bang ma-frustrate sa isang bagay? ung tipong, alam mo un pero di mo lang maalala kung ano, saan, pano? halimbawa na lang eh title ng isang pelikula.. nagku-kwentuhan kayong magkaibigan, tapos may nabanggit syang isang pelikula, kinuwento nya ung plot at sabi mo sa kanya alam mo ung title dahil kakapanood mo lang nito kahapon.. 100% alam mo sa sarili mong alam mo ung pelikula pero parang tinamaan ka ata ng amnesya eh di mo na maalala ung title nito.. nakaka-frustrate diba? ung tipong di ka makakatulog kakaisip at pipilitin mo talagang malamang ung title nung pelikula… hay.. nakakainis un tsong…

nakakainis talaga…

may natanggap ako package kanina galing sa aking pare at ito ung laman nung package..

isang hand puppet na baboy.. cute lang.. ^_^ ako daw kasi yan.. okkk… balik sa kwento.. aun nga, may hand puppet.. habang kausap ko ang aking pare, naalala ko lang ung cartoon na baboy na superhero.. kamuha kasi nung hand puppet.. alam ko japanese cartoon un eh.. nakalimutan ko lang ung pangalan… at dahil di ako makakatulog hanggat di ko nalalaman ung pangalan ng cartoon na un, ginalugad ko ang google, wikipedia at youtube.. nagsearch “japanese pig superhero“, “japanese pig“, “pink pig superhero“.. kung anu-ano na ang ginamit kong keywords, at sa awa naman ni Papa God, nakita ko naman ung hinahanap ko…

Super Pig ung pangalan ng cartoon.. hmmm.. pwede na.. kaso, di pa rin ako kumbinsido na un ang pangalan na ginamit…

hanap ulit.. sa youtube naman ako naghanap.. baka meron kasing nag-upload ng series nito.. medyo wala rin akong nakita kaya nanood na lang ako ng Maskman, Bioman, Machine Man at Mask Rider Black.. waaaa.. old skul!!! sana ibalik na nila ung mga show na ganon..

matapos mag-aksaya ng oras sa panonood ng videos sa youtube, wala pa ring kasagutan akong nakukuha.. siguro nga Super Pig ung pangalan.. pwede na un.. sumasakit lang ulo ko eh..

kapatid ko: ate, pagamit ng laptop
ako: ok.. tol, tanong lang, alam mo ba ung pangalan nung cartoon na baboy na superhero.. ung tao sya tapos nagiging baboy?
kapatid ko: Super Boink..

okkk… (x_x)

di ko tuloy alam kung anong mas nakakainis, ung ma-frustrate ka sa isang bagay o ung magmukhang engot.. :P hahaha…

3 Responses to “ super SOMETHING… ”

  • ninang said,

    eto na lang … heheheh

    ein schweinchen namens BABE! :P

    happy flyday … kaya eto mejo naka-fly-fly-d-butterfly sa mga raket ko
    di ko lang maharap pa mag-update
    katamad talaga kapag galing sa bakasyon, kailangan ko ang BATO ni Totoy :P

  • komski said,

    hehe=) ba be bu be boink!
    ‘tas yung kasama nun sa channel 13 e time quest!=) nagliwaliw nga ako sa youtube at nanood ng machineman tsaka fiveman, hehe.

    naalala ko tuloy yung baseball na may mata at lumilipad, hehe=) buknoy ata yung pangalan. sayang at walang subtitles.

    (siguro kasi naghalo yung super boink at spider pig sa isip mo=)

  • jesse said,

    hehe! nag uulyanin ka na ata karmi..haha! sign of aging na yan.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.