dahil sa wala akong magawa, naghalungkat ako ng mga gamit ko.. nakita ko ung mga lumang bracelet, hikaw, kwintas na bigay sa akin ng aking mga kaibigan noong kolehiyo pa lamang ako.. ang dami rin pala.. binigay sa akin nung birthday ko, nung last day of school at karamihan ay inar-bor lang.. sa dami ng mga bracelet ko, may isa na masasabi kong ispesyal para sa akin.. bakit? galing kasi ito sayo…
wala naman talagang espesyal dun sa bracelet eh.. kung tutuusin nga chipipay lang ito dahil plastic lamang at kulay pink.. o diba, kulay pink pa, parang nangaasar ka pa nga nung binigay mo sa akin ito.. un kasi ung tipo ng bracelet na di ko naman talaga susuotin.. alam mo namang di ako masyadong mahilig sa mga pambabaeng kulay pero ito pa rin ung binigay mo.. naalala ko pa nga nung binigay mo sa akin ito… isang araw bago mo ito ibinigay.. uwian.. sabi mo, may regalo ka para sa akin.. nagtaka naman ako dahil di ko naman birthday.. kinabukasan, pagkakita mo pa lang sa akin, kinuha mo na ang aking kamay at sabay lagay ng bracelet.. sabi mo nakita mo un sa greenhills at naisip mo ako, kaya binili mo.. wala na akong nasabi noon.. ang nakakapagtaka lang, ako lang ang tanging binigyan mo sa barkada.. mejo nagselos tuloy ung isa pang ka-close mo.. bakit sya daw wala…
mula nang araw na un, di na ako makatulog kakaisip kung bakit ganon na lang ang pagtrato mo sa akin.. hindi kaya..??? imposible! imposibleng may gusto ka rin sa akin.. siguro nga close lang kasi talaga tayo kaya ka ganyan.. masyado ko lang sigurong binibigyan ng meaning ung pagiging close natin.. di mo rin naman kasi ako masisisi.. mahal kasi kita…
mga ilang araw bago matapos ang klase, may nalaman ako galing sa aking kaibigan.. sabi nya, nagtruth or consequence daw ang barkada nyo.. nang sayo na naitapat ang bote, tinanong ka..
sino sa klase ang gusto mong maging gf kaso hindi pwede?
sino daw ang sinagot mo? ako.. ako pala… ano daw ang dahilan kung bakit hindi pwede? dahil nakababatang kapatid ang tingin mo sa akin.. little sis.. nang sabihin ito ng aking kaibigan, di ko malamang kung anong magiging reaksyon ko.. natawa na lang ako sa sarili ko.. kaya pala.. kaya pala ganon na lang ang trato mo sa akin.. kasi tinuturing mo akong kapatid…. dun na natapos ang “supposed to be love story” natin..
hanggang ngayon, andito pa rin ang bracelet na bigay mo.. ni minsan di ko pa rin ito nagagamit, di dahil sa ayokong gamitin dahil sa naaalala kita, kundi dahil ayoko lang talaga… di rin ako galit sayo dahil sa kapatid lang ang turing mo sa akin.. at least kahit papano, espesyal pa rin pala ako sau….
salamat nga pala dun sa bracelet ha.. ^_^ di ko kasi maalala kung nakapag-tenk you ba ako sau noon….

note: naisipan ko lang pikturan ung bracelet.. :) salamat ulit.. ^_^













..hmmm..alam ko kung knino galing yang bracelet na yan….wahehe…
@theyz – tol, ikaw ata ung kaibigan ko dyan ah… hehehe… :P
love you tol…
..hehe…onga eh..prang ako lng yta satin ang present nung nangyri un..hehe..
..hehe…air force??!! bkit mo nman naisip sumali ng air force? hehe…adik ka tlga tol..nyahaha..
..anyway, the least i can do is smile..i know God will show me the right path to take..i just need time to think..
..hehe..salamat tol nagttyaga kang dumaan sa blog ko khit pasaway lng ung mga entries ko..hehe…namimiss ko na kau..
hi. i like ur blog. simple yet full of sense. i’ll make sure to go visit here more often. keep on posting cool entries =)
hi, karmi, musta na? emo mode tayo ngayon, a.
lilipas din yan.. one day, isang araw, you will go back to reminisce the days, at ngingiti ka na lang dahil minsan e umibig ka. better to have love and lost than not to experience love at all. :-D but who knows na in the end kayo rin pala, di ba?
donya! mukhang may sentimental value tlga ah? :p
anyway, ang yaman mo! nakalaptop ka pa! sana ako din :p
oh well well… parang bago pa rin ang bracelet ah, talagang itinabi hehehe
kilala ko rin ba yung nagbigay nyan? hehehe!
@jesse – oo tol, kilala mo sya.. :D hahaha…