1 year, 2 months ago by komski komski kuno - Tuyot Na'ng Damdamin (Silent Sanctuary cover)
Hinde, wala namang matinong tao na kukuha sa 'kin para kumanta dahil ako lang naman ang makakaatim na makarinig sa aking boses. Pero ang totoo, mahilig lang talaga ako kumanta, kahit sablay-sablay ang tono. Gustung-gusto kong sabayan ang bawat pagbigkas ng mga paborito kong banda sa lyrics ng kanilang mga kanta.
Mahilig ako sa musika. Ewan, basta pagkagising ko sa umaga'y binubuksan ko kaagad ang aking computer para makapagpatugtog. Nakahiligan ko ang tunog ng gitara, ang pintig ng drums, at ang emosyon na nililikha ng himig, ritmo at lyrics. Naging paborito ko ang malulungkot ng mga kantang inaawit ng mga bandang may pagka-rock o punk na impluwensya dahil para bang umiiyak ang electric guitar sa bawat kalabit sa strings. Kumakabog ang dibdib ko sa tuwing papaluin ang drums na para bang pinapatibok nito ang aking puso. Haay, sarap sigurong magkaroon ng isang banda.
Kapag nakakarinig ako ng kantang gusto ko ay nangangati ang dila kong sambitin at sabayan ang mga parteng alam ko ang salita. Dahil parang kulang ang pakikinig, at mas madarama mo ang awit kung ito'y iyo ring kakantahin.
Kaya nga parang hindi ko rin gustong magkaroon ng portable mp3 player dahil maaasar lang ako kapag gusto kong kumanta ngunit nakakahiya, lalo na kung ako'y nasa bus o dyip. Dahil kapag nasa bahay ay malakas akong kumanta. At wala akong pakialam, hehe. Madalas nga akong napagsasabihan na hinaan ko ang volume ng pagpapatugtog ko at pagkanta na rin=)
naka naman.. :D hehehe.. rak on tol!!! ^_^
naunahan mo ako.. balak ko ring kumanta sa suisunod kong post eh.. tara buo tayo ng banda paguwi ko!! :D
ang pangit nga ng recording, hehe=) nanonood pa kasi ung nanay ko ng deal or no deal niyan, hehe=) pag-aaralan ko pa yung audacity, o baka naman may alam kang pangrecord na maganda-ganda?
actually, audacity din ung gamit ko! :D hehehe.. mejo mahirap nga lang gamitin. pero yakang-yaka.
mahal ko na talaga silent sanctuary.. waaaaaa.. mas ok nga to kesa dun sa isa.. mas rinig ung boses mo. ^_^
teka, ano ung audacity? hahaha! :)
yun ay isang free audio editor na may kasamang recorder. Isa siyang project sa sourceforge=)
wow feel n feel sa pgkanta ha heheh. mahilig din ako sa musika, pero depende sa mood kung anung genre. :D
ang gusto ko e yung malulungkot na rock love songs, hehe=)
waaa.. boses mu un?? di rin kumpleto araw ko pag walang musika. minsan nga kuntento na ko magkulong sa kwarto maghapon basta may tugtog.. mga banda rin. minsan halo-halo ^_^
Hello. Pareho pala tayong mahilig sa musika. Tuwing umaga radyo naman ang binubuksan ko. O kaya CD na collection ng mga MP3s na paborito ko.:D
mas nakakapakinig ako ng radyo kapag nasa bus=)may mp3 collection pero nasa pc, hehe=) pero nilagay ko na rin sa phone ko yung mga paborito ko talaga.