di mo sya mahal pero parang gusto mo sya.. di mo naman hinahanap-hanap pero naiisip mo pa rin.. di mo talaga sya kilala pero kapag magkausap kayo, eh parang matagal na kayong nagkasama.. hmmm… ano kaya ito? anong tawag dito?
ano un?…. ang labo..
bakit ganito na lang ang nararamdaman ko para sayo? sigurado akong hindi kita mahal pero bakit lately naiisip kita? anong salita ba ang pwedeng gamitin para mai-describe ‘tong nararamdaman ko? gusto? oo, gusto nga siguro kita pero hindi to the point na mamahalin kita.. gusto kitang kausap, gusto kitang ka-kwentuhan.. may ugali ka siguro na nagugustuhan ko.. pero.. bihira naman tayong mag-usap eh.. di ko talaga maintindihan ‘tong nararamdaman ko…
eto pa ang malupet.. feeling ko, pareho tayo nang nararamdaman.. nyahahaha! isang malaking EWAN!!! as if namang may nararamdaman ka nga para sa akin.. may juwa ka na at masaya rin naman ako sa lablyp ko ngayon.. pero bakit ganito? bakit ako gumagawa ng post tungkol sau? hindi ko alam.. siguro dahil nacu-curious ako sayo.. gusto kasi kitang makilala talaga.. malamang magkakasundo tayo.. sana..
hay.. alam kong lilipas rin to.. lately kasi siguro eh may nagpapaalala lang sayo kaya kita naiisip.. na-LSS pa nga ako eh.. kasi naman lagi kong pinapatugtog ung kanta mo.. siguro dahil naiisip kong ka-boses mo ung original na kumanta..
ah ewan…
kamusta naman un diba?
kamusta talaga!!!
side comment:
kung feeling mo ikaw ‘to, marahil ay tama ka.. siguro.. baka.. pwede.. ata…

oo, sa post-it notes ko nga naisulat ung post ko ngayon… kapag nga naman dinatnan ka kasi ng ideya, kahit anong masusulatan, susulatan na..












