dollar por a gud cause

6 Comments » September 23, 2007 » 909 days ago
blabbers

kahapon, Sabado, nagpunta kaming magkakapatid sa mall.. nakabili naman ako ng sapatos na pampasok sa trabaho.. nung nasa cashier na ako para magbayad, ito ung naging pag-uusap namin ng cashier..

cashier: good morning. did you find everything OK?
ako: yes, ma’am.
(scan dun sa binili kong sapatos)
cashier: do you want to donate a dollar for the Diabetes patients?
(isip-isip… one dollar lang naman.. sige na, para may good deed for the day na ako…)
ako: OK
cashier: that’s great. and for your dollar, you can have one of these: water, coke or dr. pepper
ako: (tingin sa kapatid ko) tol, anong gusto mo?
kapatid ko: kahit ano ate
ako: ok, i’ll get a coke.

paglabas ng mall..

ako: yan, nakapagdonate ako ng $1 para sa mga Diabetes patients, may coke pa ako..
kapatid ko: o nga, nagdonate ka nga para sa may mga diabetes, ikaw naman magkaka-diabetes nyan…
ako: ….. sana pala tubig na lang ang kinuha ko…

paguwi ng bahay, ipinatong ko lang ung coke sa table namin.. di ko ito ininom.. nagdi-diet kasi ako eh… ^_^

Finalize what?

8 Comments » September 23, 2007 » 910 days ago
Uncategorized

Mahirap isipin ang hindi mo naman alam. Hindi naman lalabas yung sagot kapag tinitigan niyo ang papel niyo, o pag dumungaw kayo sa bintana. Kaya kung ako sa inyo, ipapasa ko na lang at uuwi na ako, para tapos na.

Dr. Henri Adorna, Math 157 2nd Exam

Exam kanina sa CS 133: Automata Theory at meron akong hindi nasagutan na number, number 8. Mahigit kalahating oras ko inisip yung problem na yun pero wala pa rin. We need to show the equivalence between a normal Turing machine which can move the head one symbol to the left or to the right and a variant of a Turing machine that can only do a right  move and a reset. Reset is placing the head at the leftmost end of the machine's tape. Show this by simulating the operation of one with the other.

Gudluck naman.

Nakatatlong ulit ako ng magkakaibang solution para sa iisang problem. Sinimulan ko with enthusiasm 'tas pagkasulat ko ng mas maraming detalye ay narerealize kong mali pala yung naisip kong solution. Kaya nga nakatatlo di ba. Natapos ang oras na inextend pa nga nang hindi ko nasasagutan, hehe.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.