karmi,
napansin ko na malungkot at problemado ka na naman.. hmmm, at palagay ko’y alam ko kung bakit.. alam ko ang iniisip mo, bakit parang laging kulang diba? eh dati naman, sakto lang o kaya nama’y sumusobra.. di ka namomoroblema ng ganyan.. wag ka nang masyadong mag-isip, magmumukha kang matanda nyan..
alam mo, disiplina lang naman ang sagot dyan eh.. pigilan mo na lang ang sarili mo sa susunod na may tutukso sayo.. isipin mo kung talaga bang kailangan mo pa un, eh gayong meron ka na naman.. baka naman pansamantalang kaligayahan lamang ang dala nyan sayo na sa pagtagal ay di mo na rin papansinin.. oo na, alam kong lately eh di ka na masyadong tumitingin pero andun pa rin ang pagnanais diba? kapag tanggap mo na sa sarili mong di talaga pwede, kahit na andyan pa sa harap mo yan eh hindi ka matutukso.. mahirap talaga alam ko, pero you gotta start somewhere diba? disiplina karmi.. disiplina..
ano? eh pano kung gusto mo talaga? eh di go.. wala namang nagsabi na di mo pwedeng gawin ang gusto mo diba? basta lang maging responsable ka.. maging handa sa hinaharap, dahil kung ano man ang mga ginagawa natin ngayon eh may impact sa future natin.. matanda ka na, at alam mo na ang tama at mali.. i believe in you naman, na kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo…
alam ko kaya mo ako binili eh para may magpaalala sayo na di pwedeng larga na lang kung may gusto.. sa tuwing makikita mo ko, mapapaisip ka.. magtutulungan tayo karmi.. in the long run, ikaw rin naman ang makikinabang sa akin.. at magiging masaya naman ako dahil natulungan kita…
andito lang ako para tulungan ka.. kaya mo naman yan eh! ^_^
aja!
your concerned friend,

o diba? ang saya nya.. sino ba namang hindi mahihikayat magipon nyan!!!! ^_^













ang cute naman nya!!! naaliw naman ako… hahaha
kaya mo yan karmi. ipon ipon
hehe, nakakatuwa naman=) tama yan. huwag masyadong padadala sa mga nakikita. Ako, kahit magpadala, walang pa ring magagawa kasi wala naman akong pera, hehe.
hmm.. wala sa bokabolaryo ko ang “magtipid”.. pero merong “mag-ipon”. pero teka. paano ako makakaipon kung di ako magtitipid? hehe. bili kc ako ng bili ng kung anu anu kahit hnde ko kailangan. hehe. meron din akong alkansya. 5 at 10 peso coin lang ang nilalagay ko. iniipon ko para sa party ng pamangkin ko this nov.. ;)
naku naku! pagusapan natin to sa chat!
nako.. malaking problema ko nga yan. di ako marunong mag-impok eheh..
Save for the rainy days sabi nga nila.
HI KARMI SALAMAY SA PAGBISITA SA AKING BLOG =)
P.S.
UR ALKANSYA IS SOOOOO CUTE!!!! =)