Disintegrate Molecules!

Posted almost 5 years ago Uncategorized

 Curse the man who discovered helium. Curse Pierre Jules Cesar Janssen.

Principal Skinner, The Simpsons

Curse Molecules and its owners, marketers and product developers. Curse them all (well not including its innnocent staff and employees). Just curse all whom it may concern.

I've always bought shirts from molecules since highschool up until their last regular-sized shirts design line named "estilo natural". I actually found this design line very nice. Then a week after buying a blue shirt with a unicorn print, I went back  to their stall on SM North Edsa's Department Store and found myself skimming  through shirts all sized extra small. Yes, almost all of the shirts are extra small, to the point that the size tags became useless. All the other regular-sized shirts were the ones not bought before. It's apparent that they have stopped producing them, and I blatantly curse them for that.

I just hope they got what they planned of getting with that kind of marketing strategy.

[Sabi nga nila (na tutol naman talaga ako), mag-ingles ka para magtunog seryoso. At walang magko-comment na baka tumaba lang ako, hehe] Buti na lang at mayroong mabibiling en'gg angas shirt na  mas mura-mura, at maangas pa. Pero  parang hindi ko ata maisusuot lagi 'to,  hehe. Parang ang yabang (pero yun naman yung point, kaya nga engg angas shirt).

the BRACELET (sequel ng the RING)

Posted almost 5 years ago inlove, writings

dahil sa wala akong magawa, naghalungkat ako ng mga gamit ko.. nakita ko ung mga lumang bracelet, hikaw, kwintas na bigay sa akin ng aking mga kaibigan noong kolehiyo pa lamang ako.. ang dami rin pala.. binigay sa akin nung birthday ko, nung last day of school at karamihan ay inar-bor lang.. sa dami ng mga bracelet ko, may isa na masasabi kong ispesyal para sa akin.. bakit? galing kasi ito sayo…

wala naman talagang espesyal dun sa bracelet eh.. kung tutuusin nga chipipay lang ito dahil plastic lamang at kulay pink.. o diba, kulay pink pa, parang nangaasar ka pa nga nung binigay mo sa akin ito.. un kasi ung tipo ng bracelet na di ko naman talaga susuotin.. alam mo namang di ako masyadong mahilig sa mga pambabaeng kulay pero ito pa rin ung binigay mo.. naalala ko pa nga nung binigay mo sa akin ito… isang araw bago mo ito ibinigay.. uwian.. sabi mo, may regalo ka para sa akin.. nagtaka naman ako dahil di ko naman birthday.. kinabukasan, pagkakita mo pa lang sa akin, kinuha mo na ang aking kamay at sabay lagay ng bracelet.. sabi mo nakita mo un sa greenhills at naisip mo ako, kaya binili mo.. wala na akong nasabi noon.. ang nakakapagtaka lang, ako lang ang tanging binigyan mo sa barkada.. mejo nagselos tuloy ung isa pang ka-close mo.. bakit sya daw wala…

mula nang araw na un, di na ako makatulog kakaisip kung bakit ganon na lang ang pagtrato mo sa akin.. hindi kaya..??? imposible! imposibleng may gusto ka rin sa akin.. siguro nga close lang kasi talaga tayo kaya ka ganyan.. masyado ko lang sigurong binibigyan ng meaning ung pagiging close natin.. di mo rin naman kasi ako masisisi.. mahal kasi kita…

mga ilang araw bago matapos ang klase, may nalaman ako galing sa aking kaibigan.. sabi nya, nagtruth or consequence daw ang barkada nyo.. nang sayo na naitapat ang bote, tinanong ka..

sino sa klase ang gusto mong maging gf kaso hindi pwede?

sino daw ang sinagot mo? ako.. ako pala… ano daw ang dahilan kung bakit hindi pwede? dahil nakababatang kapatid ang tingin mo sa akin.. little sis.. nang sabihin ito ng aking kaibigan, di ko malamang kung anong magiging reaksyon ko.. natawa na lang ako sa sarili ko.. kaya pala.. kaya pala ganon na lang ang trato mo sa akin.. kasi tinuturing mo akong kapatid…. dun na natapos ang “supposed to be love story” natin..

hanggang ngayon, andito pa rin ang bracelet na bigay mo.. ni minsan di ko pa rin ito nagagamit, di dahil sa ayokong gamitin dahil sa  naaalala kita, kundi dahil ayoko lang talaga… di rin ako galit sayo dahil sa kapatid lang ang turing mo sa akin.. at least kahit papano, espesyal pa rin pala ako sau….

salamat nga pala dun sa bracelet ha.. ^_^ di ko kasi maalala kung nakapag-tenk you ba ako sau noon….


note: naisipan ko lang pikturan ung bracelet.. :) salamat ulit.. ^_^

Blanko

Posted almost 5 years ago Uncategorized

Mas blanko pa ako sa no. 3 ng exam paper ko sa CS 131. Haay, kinig na lang sa music… este noise. Punta na sa audio page ko, yung link nasa taas, pinakataas. haay.

super SOMETHING…

Posted almost 5 years ago so random

na-feel mo na bang ma-frustrate sa isang bagay? ung tipong, alam mo un pero di mo lang maalala kung ano, saan, pano? halimbawa na lang eh title ng isang pelikula.. nagku-kwentuhan kayong magkaibigan, tapos may nabanggit syang isang pelikula, kinuwento nya ung plot at sabi mo sa kanya alam mo ung title dahil kakapanood mo lang nito kahapon.. 100% alam mo sa sarili mong alam mo ung pelikula pero parang tinamaan ka ata ng amnesya eh di mo na maalala ung title nito.. nakaka-frustrate diba? ung tipong di ka makakatulog kakaisip at pipilitin mo talagang malamang ung title nung pelikula… hay.. nakakainis un tsong…

nakakainis talaga…

may natanggap ako package kanina galing sa aking pare at ito ung laman nung package..

isang hand puppet na baboy.. cute lang.. ^_^ ako daw kasi yan.. okkk… balik sa kwento.. aun nga, may hand puppet.. habang kausap ko ang aking pare, naalala ko lang ung cartoon na baboy na superhero.. kamuha kasi nung hand puppet.. alam ko japanese cartoon un eh.. nakalimutan ko lang ung pangalan… at dahil di ako makakatulog hanggat di ko nalalaman ung pangalan ng cartoon na un, ginalugad ko ang google, wikipedia at youtube.. nagsearch “japanese pig superhero“, “japanese pig“, “pink pig superhero“.. kung anu-ano na ang ginamit kong keywords, at sa awa naman ni Papa God, nakita ko naman ung hinahanap ko…

Super Pig ung pangalan ng cartoon.. hmmm.. pwede na.. kaso, di pa rin ako kumbinsido na un ang pangalan na ginamit…

hanap ulit.. sa youtube naman ako naghanap.. baka meron kasing nag-upload ng series nito.. medyo wala rin akong nakita kaya nanood na lang ako ng Maskman, Bioman, Machine Man at Mask Rider Black.. waaaa.. old skul!!! sana ibalik na nila ung mga show na ganon..

matapos mag-aksaya ng oras sa panonood ng videos sa youtube, wala pa ring kasagutan akong nakukuha.. siguro nga Super Pig ung pangalan.. pwede na un.. sumasakit lang ulo ko eh..

kapatid ko: ate, pagamit ng laptop
ako: ok.. tol, tanong lang, alam mo ba ung pangalan nung cartoon na baboy na superhero.. ung tao sya tapos nagiging baboy?
kapatid ko: Super Boink..

okkk… (x_x)

di ko tuloy alam kung anong mas nakakainis, ung ma-frustrate ka sa isang bagay o ung magmukhang engot.. :P hahaha…

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.