kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with Us

Plugoo: karmi | komski: 1, 2
Y! Messenger: karmi | komski

  • ner: 3 tears ke ron for lamentations of a withered tin can. 2 tears ke enday for wasak ^^ vote counted.
  • rio: hahaha..may ganitong agreement din kami ni ate lalaine mo..ang magkakaboyps after four years,after the...
  • krisjasper: 3 tears for Lamentations by RON. vote counted.
  • cryptonyte69: 3 tears for “WASAK” by ENDAY
  • McRey: Boto ko sina: 3 tears - Bahay Kubo 2 Tears - Sanlaksang Katanungan 1 tear - Letting Go Sana naman this time...
  • glesy the great: ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay...

Thank you!

Subscribe to my feed




October 4th, 2007 | current events

dahil sa wala akong magawa ngayon, naisipan kong magbasa ng diyaryo at manood ng TV.. wala na akong masyadong alam sa kung ano bang nangyayari sa paligid ko.. tulog, kain, computer na lang ginagawa ko (kaya rin siguro ang taas ng cholesterol level ko)..

wala naman akong maintindihan sa dyaryong nakuha ko (libre kasi) kaya nanood na lang ako ng TV.. sakto balita.. Bandila.. update tungkol sa dengue, SK elections, sumigaw si Senador Miriam Defensor-Santiago dahil sa cellphone na tumunog habang nagsasalita sya.. habang nanonood, naisipan kong kumuha na ng tanghalian.. tapos narinig ko na lang ung news anchor, si Henry Omaga-Diaz ata un, tungkol sa show na Desperate Housewives chuva.. kaya naman dinala ko na ung pagkain ko sa aming sala para dun na kumain..

ano ung balita?! gudluck.. kasiraan pala ng mga noypi.. napanganga at napailing na lang ako dun sa sinabi ni Teri Hatcher.. wat da pak! ano daw? some med school in the Philippines?! syempre pa, hinanap ko sa youtube.. at ito ung video na nakuha ko..

 YouTube Preview Image

Before you go any further, can I check those diplomas? coz I would just like to make sure that they’re not from some med school in the Philippines..

nagbasa rin ako ng mga comments.. ung ibang noypi, walang pakiaalam, ung iba naman eh kulang na lang sugurin ang producer ng show para lang humingi sila ng sorry.. nanood ulit ako ng iba pang vids, nagsorry na daw ang ABC, pero di pa rin daw enough un sabi ng Pinoy community dito sa America.. ano pa nga naman ang magagawa ng sorry nila diba? napanood na ng buong mundo un, dahil premiere EP pa naman ng Desperate..

hmmm, para sa akin, mali un eh.. may nagdahilan pa sa comment nya na fiction lang daw ang naturang show kaya wala lang ung nasa script nila.. malamang hindi pinoy ung nagcomment.. oo nga’t fiction, pero totoong tao pa rin ung gumagawa ng script.. taong may isip (sana), sa kung anong dapat ilagay sa script o hindi.. kahit na ba sabihin nilang di naman nila sinasadya un o nilagay kasi nila un for humor, eh hindi enough na dahilan un.. ang hirap kasi, maraming Pinoy ang maaapektuhan sa nasabi ni Teri sa show, lalo na ung mga Pinoy sa medical field.. kawawa naman sila, eh sila pa naman ung magagaling at hindi tamad.. masakit rin para sa akin dahil Pinoy ako at nandito ako sa America.. nakakainis lang.. alam mo un, proud ka dahil Pinoy ka, tapos may magco-comment ng ganon na di naman dapat.. mali, maling-mali… kaso wala nang magagawa eh, nangyari na.. ano pa ba ang dapat gawin? i-boycott ang show? gudluck, di ata magwo-work un.. sana lang di na maulit ung mga ganong discrimination sa ibang lahi.. at sana ung mga scriptwriters/directors dyan, sana i-proofread nyo muna ung script nyo para walang ganitong mangyayari…

hmmm.. ngayon ko lang naisip, sana pala English ung post ko ngayon.. nah! di na lang, may limit kasi ako na 100 English words/day eh.. ^_^

ha humm, ha hummm, hahuhumm ka sa buhimmm… charing.. kasakit sa kasim ah hummm, charing

Nang hindi ko man lang namamalayan, sa oras na matahimik lang ako't matingin sa kalayuan ay bigla na lamang nag-uumpisa ang aking paghimig. Sa una'y papitik-pitik ng mga daliri sa kung anumang nahahawakan, nadaragdagan ng paghuni-huni ng mga walang kabuluhang salita, hanggang sa maging kanta na, na pati mga lyrics ay siya nang aking sinasambit. Nagsisimula na naman ang last song syndrome (LSS).

Ang last song syndrome ay ang nararanasan kapag hindi mo maialis sa iyong isipan ang huli mong kantang narinig. At malas mo lang kung ang kantang ito ay ang pinakajologs, pinakakorny, at yung tipong iyong kinaaasaran, na narinig mo lang bigla sa sinasakayang bus o dyip. Kahit na anong gawin mo ay bigla mo na lang mari-realize na kinakanta mo na pala ang "Bagay ba sa 'kin ang kulot… bagay ba sa 'kin ang kulot… (repeat infinitely)"

Pero naisip ko lang, sa dinami-dami na ng mga kagamitang mabibili para makapakinig ng mga kanta't tugtugin, kahit saan at sa kahit na anong oras, tulad ng mp3 players, cellphones, atbp. Nakakaranas pa ba ang mga tao ng lss? Kung hindi tatagal ng ilang oras ay maaari ka nang makinig ng mga paborito mong kanta, ay makakaranas ka pa ba ng lss?

Kaya hindi ako bibili ng isang portable mp3 player at hindi ko rin gagamitin ang radio function ng aking cellphone, alang-alang lang sa lss. Alalang-alang sa pakiramdam na pagkaasar kapag buong araw kong kinakanta ang dududu dadada o boom tarat tarat.