1 year, 1 month ago by komski ha humm, ha hummm, hahuhumm ka sa buhimmm… charing.. kasakit sa kasim ah hummm, charing
Nang hindi ko man lang namamalayan, sa oras na matahimik lang ako't matingin sa kalayuan ay bigla na lamang nag-uumpisa ang aking paghimig. Sa una'y papitik-pitik ng mga daliri sa kung anumang nahahawakan, nadaragdagan ng paghuni-huni ng mga walang kabuluhang salita, hanggang sa maging kanta na, na pati mga lyrics ay siya nang aking sinasambit. Nagsisimula na naman ang last song syndrome (LSS).
Ang last song syndrome ay ang nararanasan kapag hindi mo maialis sa iyong isipan ang huli mong kantang narinig. At malas mo lang kung ang kantang ito ay ang pinakajologs, pinakakorny, at yung tipong iyong kinaaasaran, na narinig mo lang bigla sa sinasakayang bus o dyip. Kahit na anong gawin mo ay bigla mo na lang mari-realize na kinakanta mo na pala ang "Bagay ba sa 'kin ang kulot… bagay ba sa 'kin ang kulot… (repeat infinitely)"
Pero naisip ko lang, sa dinami-dami na ng mga kagamitang mabibili para makapakinig ng mga kanta't tugtugin, kahit saan at sa kahit na anong oras, tulad ng mp3 players, cellphones, atbp. Nakakaranas pa ba ang mga tao ng lss? Kung hindi tatagal ng ilang oras ay maaari ka nang makinig ng mga paborito mong kanta, ay makakaranas ka pa ba ng lss?
Kaya hindi ako bibili ng isang portable mp3 player at hindi ko rin gagamitin ang radio function ng aking cellphone, alang-alang lang sa lss. Alalang-alang sa pakiramdam na pagkaasar kapag buong araw kong kinakanta ang dududu dadada o boom tarat tarat.
ahaha. ang cute nmn ng lss mo ngaun. :)
hahahaha. ako nmn nabwisit din dati dahil sa lss na yan. nung mga panahon ng eleksyon. hanggang office kinakanta ko yung ad ni lacson.. yung “si ping ang kinabukasan..” haayz. pati yung mga officemates ko pinagtatawanan na ako kc para na daw akong binabayaran ni lacson para ikampanya cya! hehe.
ay sus, kahit na ata may mp3 player ako eh may tinatamaan pa rin ako ng LSS.. minsan kasabay ko pa ung kapatid ko sa pagkanta.. hehehe..
tol, ang kulit naman ng LSS mo.. mejo mahirap kantahin.. :P
oo nga, hehe. pwede pa rin naman=)
lss ko yung mga kantang nakaka-relate ako. tulad nung face down ng red jumpsuit apparatus. amp, mag-iisang linggo nang tumutugtog sa utak ko. ??do u feel like a man when u push her around? do u feel better now as she falls to the ground? well i tell u my friend one day this world?s going to end. as ur lies crumble down..a new life she has found.’? ayun. kinakanta ko nanaman. tsk.