dahil sa wala akong magawa ngayon, naisipan kong magbasa ng diyaryo at manood ng TV.. wala na akong masyadong alam sa kung ano bang nangyayari sa paligid ko.. tulog, kain, computer na lang ginagawa ko (kaya rin siguro ang taas ng cholesterol level ko)..
wala naman akong maintindihan sa dyaryong nakuha ko (libre kasi) kaya nanood na lang ako ng TV.. sakto balita.. Bandila.. update tungkol sa dengue, SK elections, sumigaw si Senador Miriam Defensor-Santiago dahil sa cellphone na tumunog habang nagsasalita sya.. habang nanonood, naisipan kong kumuha na ng tanghalian.. tapos narinig ko na lang ung news anchor, si Henry Omaga-Diaz ata un, tungkol sa show na Desperate Housewives chuva.. kaya naman dinala ko na ung pagkain ko sa aming sala para dun na kumain..
ano ung balita?! gudluck.. kasiraan pala ng mga noypi.. napanganga at napailing na lang ako dun sa sinabi ni Teri Hatcher.. wat da pak! ano daw? some med school in the Philippines?! syempre pa, hinanap ko sa youtube.. at ito ung video na nakuha ko..
Before you go any further, can I check those diplomas? coz I would just like to make sure that they’re not from some med school in the Philippines..
nagbasa rin ako ng mga comments.. ung ibang noypi, walang pakiaalam, ung iba naman eh kulang na lang sugurin ang producer ng show para lang humingi sila ng sorry.. nanood ulit ako ng iba pang vids, nagsorry na daw ang ABC, pero di pa rin daw enough un sabi ng Pinoy community dito sa America.. ano pa nga naman ang magagawa ng sorry nila diba? napanood na ng buong mundo un, dahil premiere EP pa naman ng Desperate..
hmmm, para sa akin, mali un eh.. may nagdahilan pa sa comment nya na fiction lang daw ang naturang show kaya wala lang ung nasa script nila.. malamang hindi pinoy ung nagcomment.. oo nga’t fiction, pero totoong tao pa rin ung gumagawa ng script.. taong may isip (sana), sa kung anong dapat ilagay sa script o hindi.. kahit na ba sabihin nilang di naman nila sinasadya un o nilagay kasi nila un for humor, eh hindi enough na dahilan un.. ang hirap kasi, maraming Pinoy ang maaapektuhan sa nasabi ni Teri sa show, lalo na ung mga Pinoy sa medical field.. kawawa naman sila, eh sila pa naman ung magagaling at hindi tamad.. masakit rin para sa akin dahil Pinoy ako at nandito ako sa America.. nakakainis lang.. alam mo un, proud ka dahil Pinoy ka, tapos may magco-comment ng ganon na di naman dapat.. mali, maling-mali… kaso wala nang magagawa eh, nangyari na.. ano pa ba ang dapat gawin? i-boycott ang show? gudluck, di ata magwo-work un.. sana lang di na maulit ung mga ganong discrimination sa ibang lahi.. at sana ung mga scriptwriters/directors dyan, sana i-proofread nyo muna ung script nyo para walang ganitong mangyayari…
hmmm.. ngayon ko lang naisip, sana pala English ung post ko ngayon.. nah! di na lang, may limit kasi ako na 100 English words/day eh.. ^_^














haha. topak ang desperate housewives, noh? oh well.
napadaan lang poh. ;)
Kung ang argument niya ay dahil fiction lang naman ang show at hindi totoo, kung ganoon ay bakit ang Pilipinas pa ang napili na bansa na kanilang mamaliitin? Bakit hindi na lang america? Paano kung america ang ginamit? Tutal kunwa-kunwarian lang naman di ba?
Talagang hindi sapat ang isang public apology dahil tingin ko naman ay alam naman nilang may mga aalma(isang bansa) sa ginawa nila, pero ginawa pa rin nila (dahil talagang gusto nila, siguro iniisip nila na mapapaganda ang show dahil dun). Paniguradong handa na sila sa isang public apology bilang kapalit dahil ang alam nila ay makukuntento na ang karamihan sa ganuon. Parang “getting away with it” sa simula pa lang.
Ang dali-daling magsorry.
maali nga. pero napakalaking damage na ang nagawa ng mga kanong yahn. Kala mo kasi kung sinong magagaling. Haay. Ngayon naman si Cory Aquino ang binastos nila. Tawagin daw bang sl*t. Pag-wala nga talagang magawa. Tsktsk. Di bali, pagnaging nurse ako. Ppuntahan ko silang lahat at iisa-isahin ko sila. *evil laughs*.hehe. biro lang. wala akong balak pumnta sa isteyts. maglo-london na lang ako. hehe. :)