Slowest Geek

2 Comments » October 5, 2007 » 896 days ago
Uncategorized

Yahoo Hack Day

Sabi nila, resorting to the manual is conceding to defeat. hehe. Pero wala naman akong magagawa, e sa ngayon lang ako nakahawak ng ganitong magandang system. Nung wednesday kasi ay sinabihan kami ni eric na yung mga pc raw na gagamitin para sa Yahoo! Hack Event ay nasa exhibit room at pwede na kaming pumunta dun para mag-setup.

2.4 GHz Intel Core 2 Duo 1044 FSB, 1 GB DDR RAM, 128 MB GeForce Video Card, DVD-CD Writer Combo drive, 17"  LCD  monitor. Hindi ko natignan kung anung size nung harddrive pero mukhang 80 GB o baka nga 120 GB. Langya, ang layo nito sa kung anung system ang ginagamit ko ngayon, haay, hehe.

Pero bakit nga ba kami pinapagamit nitong bagong system? Yun ay dahil sa darating Yahoo! Hack Event. Kung saan kailangan kaming

Yahoo Hack Day

gumawa (required) ng isang web service, plugin o extension sa isang existing Yahoo! service. Focused sa answers, flickr, messenger, mail, pipes, del.icio,us at search. At ang deadline ay sa tuesday next week, gudluck naman, dahil wala pa kaming nagagawa sa grupo.

Thinking na may dalawa akong exam sa sabado at isa sa lunes. May tatlo pang probset na kailangang gawin, haay. Yung isa pang exam ay CS 131 yung subject na dehado ako dahil math at kailangan ko talagang pumasa.

Naisip naming application ay isang conversation plugin sa Yahoo! Messenger kung saan makakapaglaro ka ng jigsaw puzzle kasama nung kausap mo. Bale magtutulong kayong bumuo ng isang jigsaw puzzle at ang picture ay kukunin sa flickr, gudluck talaga. Madali lang yung jigsaw puzzle, ang mahirap ay yung pagcollaborate between two users. Workable naman pero ewan kung kaya ng dalawang araw. Sana.

BE(a)WARE!

7 Comments » October 5, 2007 » 896 days ago
current events

mahilig akong mag-DL (download) ng mga kanta, mapa-multiply pa man yan o Limewire.. kapag may narinig akong kanta sa radyo o kaya sa TV at nagustuhan ko un, haharap na ako sa computer at igo-google ang title nung kanta.. tapos saka hahanapin.. kapag wala sa multiply, susubukan sa Limewire, na kadalasan ay meron akong nahahagilap.. may kanta na ko, wala pang gastos..

last week lang napagusapan namin sa trabaho ung tungkol nga sa pagdo-download ng mga kanta.. may argument kasi na legal naman daw ang pagdo-download ng kanta kung personal usage lang ito, kumbaga, di mo idi-distribute sa ibang tao ung dinownload mo.. true, pero illegal pa rin ung mismong pagdo-download diba? hehehe, oo, kaso sino ba naman ang di pa nagdo-download ng illegal? nabanggit din ng bossing ko na sya mismo ay tinawagan na ata ng kung sino man dahil daw dami ng dino-download nyang movies.. at meron daw syang kakilala na pinuntahan na mismo sa bahay nya dahil rin sa dami ng dino-download na mga kanta.. kung totoo ito ay hindi ko lang alam.. medyo natakot ako.. baka maya-maya nyan, may kumatok na lang sa bahay namin para arestuhin ako.. mejo madalas kasi akong magdownload ng mga kanta..

kanina lang habang nagbo-browse ako, nakita ko sa mismong homepage ng Yahoo!


click on the image for larger view
image from http://www.yahoo.com

OMG! $220,000 ung babayaran nung babae, $9,250/song.. gudlak naman.. nagshare daw kasi sya ng mga kanta (1,702 songs) sa Kazaa (buti na lang hindi Kazaa ang gamit ko).. pero ang sabi, hindi raw ito babayaran nung babae dahil wala naman daw proof na sya nga ung user na nagshe-share ng kanta sa Kazaa.. yikes!

wala akong ganong kalaking pera.. pano kung ma-detect din nila ako? :( 

mahirap na…

ok, buburahin ko na Limewire ko….

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.