mahilig akong mag-DL (download) ng mga kanta, mapa-multiply pa man yan o Limewire.. kapag may narinig akong kanta sa radyo o kaya sa TV at nagustuhan ko un, haharap na ako sa computer at igo-google ang title nung kanta.. tapos saka hahanapin.. kapag wala sa multiply, susubukan sa Limewire, na kadalasan ay meron akong nahahagilap.. may kanta na ko, wala pang gastos..
last week lang napagusapan namin sa trabaho ung tungkol nga sa pagdo-download ng mga kanta.. may argument kasi na legal naman daw ang pagdo-download ng kanta kung personal usage lang ito, kumbaga, di mo idi-distribute sa ibang tao ung dinownload mo.. true, pero illegal pa rin ung mismong pagdo-download diba? hehehe, oo, kaso sino ba naman ang di pa nagdo-download ng illegal? nabanggit din ng bossing ko na sya mismo ay tinawagan na ata ng kung sino man dahil daw dami ng dino-download nyang movies.. at meron daw syang kakilala na pinuntahan na mismo sa bahay nya dahil rin sa dami ng dino-download na mga kanta.. kung totoo ito ay hindi ko lang alam.. medyo natakot ako.. baka maya-maya nyan, may kumatok na lang sa bahay namin para arestuhin ako.. mejo madalas kasi akong magdownload ng mga kanta..
kanina lang habang nagbo-browse ako, nakita ko sa mismong homepage ng Yahoo!…

click on the image for larger view
image from http://www.yahoo.com
OMG! $220,000 ung babayaran nung babae, $9,250/song.. gudlak naman.. nagshare daw kasi sya ng mga kanta (1,702 songs) sa Kazaa (buti na lang hindi Kazaa ang gamit ko).. pero ang sabi, hindi raw ito babayaran nung babae dahil wala naman daw proof na sya nga ung user na nagshe-share ng kanta sa Kazaa.. yikes!
wala akong ganong kalaking pera.. pano kung ma-detect din nila ako? :(
mahirap na…
ok, buburahin ko na Limewire ko….













lol! kapag nakita yang pc nya malalaman na sa kanya nga yun ..tinatakot mo naman ako oo lol!
ang nabalitaan ko lang e yung nahuli yung unang nag-upload nung simpsons movie sa may australia, just hours after the screening. hmmm, baka mamaya yun yung naidownload ko. hehe=)
thinking na sabi pa naman sa movie, sinusulat ni bart sa board, “I will not illegaly download this movie.. I will not illegally download…”, hehe.
@ate melai – kaya rin hindi mapatunayan na sya ung gumawa dahil daw napalitan na ung hard drive nya! hehehe.. :P
tsk tsk.. cguro bago ka pa mahuli eh puno na yung kulungan nila dahil sangkaterba na ang nahuli bago ka.. hehe. =)
halaa… ako rin, sangkatutak ang songs ko sa limewire! lolz!! di naman naka-shared yung sa akin.. ni-off ko! counted kaya un? lichugas.. kinabahan tuloy ako! hahaha!
hala, lagot ako! andami kong sinishare sa multiply lately. alam ko naman na illegal, kaya dati yung mga sinishare ko dun yun lamang komportable ako na walang copyright. pero lately kasi meron na ring nahahalong copyrighted materials… nakakalimutan. mari-set nga ang privacy… :-)
She will appeal the decision. It’s truly excessive! Terrible terrible thing! ingat!