JOKE FOR THE DAY:
sa loob ng police station, andun ung biktima ng panghoholdap.. andun din ung suspek pero di pa rin ito umaamin na sya nga ang may sala..
tinanong ngayon ng pulis ung biktima.
pulis: i-describe mo nga ung itsura ng suspek.
biktima: maitim, pandak, pango ang ilong, pangit..bigla-bigla na lang nagsalita ung suspek.
suspek: sige, mang-asar ka pa…
ngek.. sensitive ang lola nyo…
kapatid kong 13 yrs. old ang nag-joke sa akin nyan, matapos kong marining ung joke, tawa na ako ng tawa.. as in ung tawa na walang bukas? ganon.. parang un na ung pinaka-nakakatawang joke na narining ko.. babaw ko talaga.. sobra!
habang kumakain, jinoke ulit ito ng kapatid ko, sa nanay at tatay ko naman..
kapatid ko: may suspek at biktima… blah blah blah…
matapos sabihin ung joke..
ako: hahahaha….
tatay ko: tapos na un?
nanay ko: oo, un na ung joke eh..
tatay ko: ahhh..
gusto kong himatayin.. lalo ko tuloy napatunayan kung gaano ako kababaw.. kawawang karmi! matapos kumain, ito ung sabi ng kapatid ko sa akin..
kapatid ko: ate, bakit ikaw lang ung natawa dun sa joke?
ako: di ko rin alam tol.. di ko rin alam….


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







