run, karmi, run!

Post Info 1 year, 1 month ago by karmi

last Saturday, sumali ako sa isang marathon.. ung marathon eh para makapagraise ng funds para sa Spina Bifida Association of Texas.. bakit ako sumali? para naman may kapaki-pakinabang akong magawa sa buhay ko.. ^_^

nakatakbo na ba ako sa mga marathon? hindi pa.. first time ko ito kaya naman wala akong kaalam-alam kung ano ba ang dapat gawin.. malamang, tatakbo, pero di ko akalaing mahirap din pala.. 7:30am ung start nung marathon, 5K ung sinalihan ko at ng tita ko.. bale, 3.1 miles ung tatakbuhin, sabi ng kapatid ko, madali lang daw takbuhin un.. saglit lang daw ang 3.1 miles.. Saturday morning ung marathon, so Biyernes pa lang, nagpraktis na ako dito sa amin.. 6 na beses kong nilibot ung buong subdivision.. ayos naman, pagod, pero kaya naman.. ready na ko, un ang akala ko.. hehehe..

before 6am, nandun na kami ng tita ko sa lugar kung san tatakbo.. kukunin pa kasi namin ung mga t-shirt na binayaran namin nung nag-register kami.. may number pa, astig, feeling ko tuloy talagang mananakbo na talaga ko.. hehehe… kaya rin kami maaga, para daw makapag-warm up kami sabi ng tita ko.. sige, takbo lang.. bago mag 7am, madami nang tao.. madami rin pala ang tatakbo, mapa-bata, matanda, andun lahat.. nakakatuwa lang panoorin ung iba’t-ibang klase ng tao na nagsasama-sama para makasali sa ganitong event.. dual-purpose nga naman kasi - nakatulong ka na, nakatakbo ka pa..

730am, nagsalita na ung host mismo.. paikot lang pala ung tatakbuhin namin, sabi ko sa sarili ko, saglit lang siguro un.. nagpuntahan na lahat dun sa start line, at inintay na patunugin ung horn na hudyat na simula na ang marathon.. sabi ng tita ko sa akin, basta hinay lang daw sa takbo, wag daw bibilisan kung hindi naman kaya ng katawan, at higit sa lahat, mag-enjoy.. ^_^ nang marinig ung horn (di ko alam kung anong tawag dun sa tagalog eh.. hehehe), nagsimula na ang takbuhan.. sa una, sabay-sabay kayong tatakbo, tapos hindi mo namamalayan, nauuna na ung mga kasabay mo.. tama nga ang tita ko, wag magmadali, dahil sa marathon, endurance din ang kailangan, hindi lang bilis..

44 mins. ko nakumpleto ung 5K run.. 21 mins. ung pinakamabilis over-all.. ayos na rin, kahit na medyo mabagal ung nagawa ko.. enjoy naman, maganda rin kasi ung lugar.. marami pa akong naka-kwentuhan habang tumatakbo.. hehehe.. pagkatapos ng takbuhan, kainan at awarding naman.. habang inuubos ko ung isang plato ng spaghetti, narinig ko na lang ung host..

2nd place for 20-24 age group: carme francia

hahaha.. oo, 2nd place pa ako sa age group ko.. abay, akalain mo nga naman, ang swerte! may medal pa tuloy ako.. ^_^

masaya ung marathon, kahit na masakit ang katawan ko ngayon.. sasali ulit ako sa susunod.. at magsisimula na akong magpraktis ngayon! ^_^

Post a Response Comment icon Posted October 14th, 2007 at 10:26 pm

11 Responses to “ run, karmi, run! ”

  1. malaya

    wow ang gandang birthday gift sa sarili ng medal na yan. nag-enjoy ka na, nakatulong ka pa.

    ***
    ako nakasali na rin sa marathon kaso Grade one pa lang ako nu’n at kalaban ko higher grades, so what will i expect? hehehe wala lang.

  2. PARISUKAT

    hmm mukhang naauuso ngayon ang marathon.. makasali nga..
    hmmm

    talaga naman oo! ang galing mo ah! second place! konti na alng pers place kna!

    congratz! hindi sa medal huh… sa dami ng baby fats and calories na naburn.

    ingat lagi!

  3. master

    Congrats! ibang klaseng achievement yan!

  4. deng

    waw ate. ang saya ng feeling ng may award noh? naging champ kasi kami sa softball nun. sali ka lagi sa mga ganyan! para madami kang medal at healthy ka pa.

    dati, sinali ako nung letseng teacher ko sa 100m something. eh hikain pa naman ako. cguro dahil galit sakin yung teacher na yun. eh on the spot pa naman. di man lang nakapag-warm up. tas sa katangahan ko, bawal pala lumipat ng track abang natakbo. hahahaha.

    grabe na lang kahihiyan ko nun. inulit pa yung race. nakakahiya. XD

  5. vanny

    asteeg naman! hahaha. naku food marathon pa alng ang nasasalihan ko eh. hehe. cguro champion ako palagi. hahha. takaw. ako lang ang vanny bunny na hindi mabilis tumakbo eh. at tamd tumakbo. haha. ;)

  6. komski

    nakakatuwa naman=) congrats sa medal! hmmmm, hindi pa ata ako nakasali sa marathon. naranasan ko lang e pinaikot kami sa school grounds ng 3 laps dahil sa late kami, hehe=) nagsama-sama ang mga tamad gumising

    [hindi naman siguro busina ano?]

  7. Aisha

    haha ang kulit grats at 2nd place ka.. may medal pa tlga haha gs2 ko dn tumakbo nainggit ako ahhaha!

  8. rHo
    rHo

    congrats!!! wow naman… galing ah!! advance happy birthday na rin sa’yo.. :)

  9. melai

    abah naman congrats :) ako di ko alam baka di ako manalo lol

  10. ROSELLE

    hi karmi gleng naman kakainggit yung naexperience mo =) matagal ko na din gustong sumali sa mga ganyanng event pero wala akong maaya sa mga friends ko. gleng congrats ha memorable experience yan im sure =) take care =)

  11. jesse
    jesse

    oy karmi ang ganda nung medal mo…astig! congrtas sa pagkakapanalo mo..ako di pa nakakasali sa marathon pero parang gusto ko rin i-try.

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.