my oktoberfest with you

Posted 4 years ago inlove, writings

oct. 16, 2004

1am na ako nakalabas ng trabaho dahil sa dami ng ginagawa pero inintay mo pa rin ako.. sabi mo kasi midnight sale sa Robinsons kaya gusto mong pumunta.. pagbaba ko galing sa trabaho, andun ka nga at naghihintay.. naka-ilang stick ka na rin siguro ng yosi.. nilapitan kita at sinabing tara na, baka kasi matapos na ung sale.. sabi mo naman, wag na lang tayong pumunta sa Rob, mag-Cubao na lang tayo, Padis.. pumayag naman ako..

nag-taxi tayo hanggang Padis, kaso parang madaming tao kaya sabi mo tuloy na tayo ng Eastwood.. sakto, Biyernes, malamang may tugtugan doon.. medyo inaantok na ako kaya naman sabi mo sumandal ako sayo.. di ako makapaniwalang kasama kita ngayon.. sabi ko sa sarili ko, kahit san tayo magpunta ok lang, basta ikaw ang kasama ko.. alam kong safe ako kapag ikaw ang katabi ko..

Eastwood. andun pala ung celebration ng Oktoberfest.. mejo patapos na, pero madami pa ring tao.. muntik na tayong hindi papasukin ni manong guard dahil naka-sando ka lang kasi.. inalok ko ung jacket ko sayo, isinuot mo naman.. ayos, pumayag na si manong.. naglibot muna tayo saglit, at naghanap ng mauupuan.. inilibre mo na rin ako ng beer.. kwentuhan, hangga’t sa may makita tayong ka-batch natin nung college.. nakiupo tayo sa table nila.. nagkukwentuhan lang tayo nang tinanong tayo nung kaibigan natin..

kayo ba?

di ko alam kung sasagot ba ako, o hihintayin na lang kita.. di ko rin kasi alam kung anong isasagot ko.. ang sabi mo na lang, hindi.. tama, hindi naman tayo eh.. di naman ako nasaktan, masaya pa rin naman ako dahil kasama kita.. siguro mga 1 oras rin tayong nakipagkwentuhan ng sabihin mong iuuwi mo pa ako kaya mauuna na tayong umalis.. mejo late na rin kasi.. magaalas kwatro na un kaya naman mejo malamig na ang hangin.. nakalimutan mo atang suot mo ung jacket ko kaya ako naman ang nilalamig.. nung nakita mo ako, hinubad mo agad ung jacket sabay nilagay ito sa aking balikat.. hindi mo na rin tinanggal ung kamay mo sa balikat ko.. hinayaan kong protektahan mo ako.. hinayaan ko ang mga kamay mo sa balikat ko..

nagtaxi ulit tayo hanggang Cubao at mula Cubao ay nag-jeep na.. nang nasa St. Joseph na tayo, sabi ko wag mo na akong ihatid hanggang bahay.. alam ko kasi na may pupuntahan ka pa.. sabi mo na lang na ako ang bahala at magingat ako.. nginitian na lamang kita at nagpasalamat..

Read the rest of this entry »

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.