oct. 16, 2004
1am na ako nakalabas ng trabaho dahil sa dami ng ginagawa pero inintay mo pa rin ako.. sabi mo kasi midnight sale sa Robinsons kaya gusto mong pumunta.. pagbaba ko galing sa trabaho, andun ka nga at naghihintay.. naka-ilang stick ka na rin siguro ng yosi.. nilapitan kita at sinabing tara na, baka kasi matapos na ung sale.. sabi mo naman, wag na lang tayong pumunta sa Rob, mag-Cubao na lang tayo, Padis.. pumayag naman ako..
nag-taxi tayo hanggang Padis, kaso parang madaming tao kaya sabi mo tuloy na tayo ng Eastwood.. sakto, Biyernes, malamang may tugtugan doon.. medyo inaantok na ako kaya naman sabi mo sumandal ako sayo.. di ako makapaniwalang kasama kita ngayon.. sabi ko sa sarili ko, kahit san tayo magpunta ok lang, basta ikaw ang kasama ko.. alam kong safe ako kapag ikaw ang katabi ko..
Eastwood. andun pala ung celebration ng Oktoberfest.. mejo patapos na, pero madami pa ring tao.. muntik na tayong hindi papasukin ni manong guard dahil naka-sando ka lang kasi.. inalok ko ung jacket ko sayo, isinuot mo naman.. ayos, pumayag na si manong.. naglibot muna tayo saglit, at naghanap ng mauupuan.. inilibre mo na rin ako ng beer.. kwentuhan, hangga’t sa may makita tayong ka-batch natin nung college.. nakiupo tayo sa table nila.. nagkukwentuhan lang tayo nang tinanong tayo nung kaibigan natin..
kayo ba?
di ko alam kung sasagot ba ako, o hihintayin na lang kita.. di ko rin kasi alam kung anong isasagot ko.. ang sabi mo na lang, hindi.. tama, hindi naman tayo eh.. di naman ako nasaktan, masaya pa rin naman ako dahil kasama kita.. siguro mga 1 oras rin tayong nakipagkwentuhan ng sabihin mong iuuwi mo pa ako kaya mauuna na tayong umalis.. mejo late na rin kasi.. magaalas kwatro na un kaya naman mejo malamig na ang hangin.. nakalimutan mo atang suot mo ung jacket ko kaya ako naman ang nilalamig.. nung nakita mo ako, hinubad mo agad ung jacket sabay nilagay ito sa aking balikat.. hindi mo na rin tinanggal ung kamay mo sa balikat ko.. hinayaan kong protektahan mo ako.. hinayaan ko ang mga kamay mo sa balikat ko..
nagtaxi ulit tayo hanggang Cubao at mula Cubao ay nag-jeep na.. nang nasa St. Joseph na tayo, sabi ko wag mo na akong ihatid hanggang bahay.. alam ko kasi na may pupuntahan ka pa.. sabi mo na lang na ako ang bahala at magingat ako.. nginitian na lamang kita at nagpasalamat..
oct. 16, 2007
parehong araw, 3 taon na ang nakakalipas.. naalala na naman kita.. alam mo bang habang naglalakad ako ng mga panahong iyon ay hiniling kong tatawagin mo ang aking pangalan at sasabihing ihahatid mo na ako sa bahay namin kahit na tumanggi ako? pero wala, habang naglalakad ako papalayo, ikaw nama’y naghihintay ng jeep para umuwi sa inyo saglit at magbihis dahil bibiyahe ka pa papuntang Nueva Ecija..
naisip ko, ang swerte nya.. pupuntahan mo sya.. ang swerte nya, dahil sya ang mahal mo.. samantalang ako, kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin.. kaibigan na laging andyan para makinig at para may kasama ka sa mga lakad mo.. hindi na mababago un, dahil nakilala mo na ung taong mahal mo..
3 yrs. ago, oct. 16.. inantay kitang makasakay ng jeep ng hindi mo alam.. may nakalimutan kasi akong sabihin dahil nagmamadali ka na rin.. nakalimutan kong pasabing Happy Birthday sa mahal mo…













naging special confidente rin ako nu’ng araw parang ganyan din. naisip ko na lang some things are not meant to be although up to now, i’m thinking of what might have been kung naging kami.
naku ate, nakaka-realte ako diyan. biruin mo, 13 pa lang ako siya na ang gusto ko. eh 16 na ako ngayon. hanggang sa nagka-bf. pero siya parin talaga. so iyon, bestfriends padin. Hahahaha.
waw nakakaiyak siet :( nalungkot tlga ako dito ah.. sob sob
hmmm…. senti mode na naman! hehehehe!
hi karmi, how r u? lamo hindi ko alam kung matutuwa ako sa story mo kase parang sad yung ending…pero i can feel ur happiness deep inside…ganon naman talaga, bsta ksama lang naten ang mahal naten ok na yun =) sana next kwento happy ending naman =) u take care always..
drama ng lola ko! hahaha. ;)
haayz. naiiyak tuloy ako.. special day kc sa akin yung 16.. haayz. may naalala lang.. ;)
..wahehe…ayus tol! mkhang may iba akong naiisip ah…namimiss mo nb? hehe