Ganito kapag walang pasok sa eskwela, 'pag walang nararamdamang pressure sa mga deadlines (dahil kahit sembreak meron), 'pag wala pang Willie of Fortune, at kapag wala pang bagong episode ng Naruto Shippuuden, kapag ganito at sa marami pang ibang kadahilanan, wala na naman akong magawa.
Marami rin akong kailangang gawin bukod sa wala (Hmmm, parang ang gara nun ah). Nariyan ang thesis prototype namin na ipapakita kay sir sa Biyernes. Nakatoka ako sa local file search sa mobile phone. Oo nga pala, ang thesis namin ay pinamagatang "P2P File Sharing over Bluetooth Ad hoc Networks". At ang laki nga ng problema namin, dahil ang laking balakid ng Java Midlet Signing.
Kailangan kasi na certified ang application para makagamit ng native functions ng phone. At gudluck naman dahil 22,000 pesos ang certificate mula sa Verisign. At san naman kami kukuha ng ganung kalaking pera? Pero may option naman, sa Java Verified Program kung saan isa-submit mo ang application sa kanila for testing at kapag naging maayos ang lahat, ay ise-certify nila ang app for distribution. Ok di ba? Pero ang kaso, bawat submit mo ay magbabayad ka ng 15,000 pesos.
Pero hindi dun nagtatapos, dahil kapag may bug at hindi pumasa ang app sa kanilang standards ay ibabalik at ipapaayos sa iyo at kapag sinubmit mo ay panibagong 15,000 pesos ulit. Galing di ba? Pero eto pa, magbabayad ka ng 15,000 pesos kada phone model na gagamitin sa testing! Per phone model! (kung Nokia 6600, Samsung G65, LG U250, ganun) Nadepressed ako ng dalawang araw nung nadiscover ko ito last week.
Nagtag si chelsea tungkol sa huwaw, tagboard!™ na matagal ko na ring kinalimutan. Pero ngayon ay may mga bago na akong pangarap para sa service kuno na ito. Gusto kong gumamit ng gravatars, para makita yung picture ng mga nagtag, hehe=) Gusto ko rin gumamit ng photo hosting site para mas madali para sa mga users na mag-upload ng mga icons. Siguro magagawa ko ito sa bakasyon, summer siguro, hehe. Basta.
[Curse smartbro: hindi pwedeng mag-ftp dahil sa NAT infrastructure ng network na implemented nila]



![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







