Walang magawa

Add comments October 17, 2007 » 883 days ago
Uncategorized

happy

Ganito kapag walang pasok sa eskwela, 'pag walang nararamdamang pressure sa mga deadlines (dahil kahit sembreak meron), 'pag wala pang Willie of Fortune, at kapag wala pang bagong episode ng Naruto Shippuuden, kapag ganito at sa marami pang ibang kadahilanan, wala na naman akong magawa.

Marami rin akong kailangang gawin bukod sa wala (Hmmm, parang ang gara nun ah). Nariyan ang thesis prototype namin na ipapakita kay sir sa Biyernes. Nakatoka ako sa local file search sa mobile phone. Oo nga pala, ang thesis namin ay pinamagatang "P2P File Sharing over Bluetooth Ad hoc Networks".  At ang laki nga ng problema namin, dahil ang laking balakid ng Java Midlet Signing.

Kailangan kasi na certified ang application para makagamit ng native functions ng phone. At gudluck naman dahil 22,000 pesos ang certificate mula sa Verisign. At san naman kami kukuha ng ganung kalaking pera? Pero may option naman, sa Java Verified Program kung saan isa-submit mo ang application sa kanila for testing at kapag naging maayos ang lahat, ay ise-certify nila ang app for distribution. Ok di ba? Pero ang kaso, bawat submit mo ay magbabayad ka ng 15,000 pesos.

Pero hindi dun nagtatapos, dahil kapag may bug at hindi pumasa ang app sa kanilang standards ay ibabalik at ipapaayos sa iyo at kapag sinubmit mo ay panibagong 15,000 pesos ulit. Galing di ba? Pero eto pa, magbabayad ka ng 15,000 pesos kada phone model na gagamitin sa testing! Per phone model! (kung Nokia 6600, Samsung G65, LG U250, ganun) Nadepressed ako ng dalawang araw nung nadiscover ko ito last week.

Nagtag si chelsea tungkol sa huwaw, tagboard!™ na matagal ko na ring kinalimutan. Pero ngayon ay may mga bago na akong pangarap para sa service kuno na ito. Gusto kong gumamit ng gravatars, para makita yung picture ng mga nagtag, hehe=) Gusto ko rin gumamit ng photo hosting site para mas madali para sa mga users na mag-upload ng mga icons. Siguro magagawa ko ito sa bakasyon, summer siguro, hehe. Basta.

[Curse smartbro: hindi pwedeng mag-ftp dahil sa NAT infrastructure ng network na implemented nila]

Mga Kahalintulad na Posts



7 Responses to “ Walang magawa ”

  • komski kuno says:

    aya, natapos tuloy yung willie of fortune

  • xienahgirl says:

    kailangan pala yata
    may marathon ng willie of fortune e.
    :)
    kaya ka ba
    nageensayo kumanta
    para maging kontestant
    sa willie of fortune?

    batiin mo ako,
    ikiss mo na lang ako kay papi.
    haha

    15k?
    ang mahal naman nun.
    garabe.

  • komski kuno says:

    sige, babatiin kita, hehe=) pero wag naman kay papi, ikikiss kita kay hmmm, dun sa yes or no girl, hehe

  • karmi says:

    down ata .ph kanina eh..

    gudluck, ang gastos naman ng thesis na yan.. hindi bababa ng 15000petot ang ilalabas na pera..

    tol, kinakarir mo na ang pagkanta ha! ^_^ wag mo kong kakalimutan kapag sikat ka na ha.. hehehe.

  • komski kuno says:

    siyempre hindi namin kayang maglabas ng ganung kalaking pera=) sana bigyan kami ng department namin, hehe. Yung adviser kasi namin e yung dep chairman

  • doubting thomas says:

    alam ko may code para ma trick na signed yung java eh. pero hindi ako sure. kasi dati may game ako na nahanap for my nokia phone, tapos sabi hindi daw sign kaya hindi pede mag run, tapos may nahanap akong forums na pinaedit sakin yung isang LOC, gumana naman. tsaka ok din yun kapag magreresize ka ng screen ng game sa cellphone. teka baka hindi to yung ibig sabihn mo. hehe.

    oo buset talaga ang smart bro.

  • komski kuno says:

    Pwede nga mag-install ng sariling certificates ang ilan sa mga NOKIA modelsmeron nga e may sarili pang menu to do just that, 66** series. Pero ang phone naming tatlo sa grupo e LG, Sony EricssonMotorola. Kaya gudlck na lang, hehe. Nagagamit naman namin yung SE for testing pero siyempre hindi pwede ang isa lang para makagawa ng network, haay.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.