sino nga bang inspirasyon ko? magulang, kapatid, kaibigan.. madami sila.. iba’t-ibang klase ng tao pero nagiiwan ng bakas sa buhay ko.. pero may isang tao lang talaga akong tinuturing na inspirasyon.. un ay si Michel, ung bestfriend ko nung highschool.. pinakita nya sa akin na kahit na may sakit ka, di ito dapat hadlang para maging masaya.. na dapat mamuhay ka pa rin ng normal kahit na alam mong may taning na ang buhay mo.. oo, wala na si Michel, iniwan na nya kami nung 2001.. nung nawala sya, hindi ko malaman kung anong gagawin ko.. nawalan ako ng kaibigan, nawalan ng kausap, nawalan ng kakampi.. pero dahil din kay Michel naging matatag ako para harapin ang buhay.. nothing in this world is permanent but change, you just have to embrace it and learn from it..
ti-nag ako ni ate melai.. sabi dun sa tag..
Write a sentence or two about 7 people – without listing their names – who have inspired you recently!
sa tagal-tagal ko nang nagbo-blog, madami na akong blogger na nakilala.. may mga naging kaibigan kahit sa labas ng blogging world at ung iba nama’y nakakausap pa rin kahit na di na sila active sa blogging.. may mga blogger na ang tawag sa akin ay ate na ikinatutuwa ko naman dahil tinuring nila akong kapatid kahit na hindi pa man nila ako tuluyang nakikilala..












