sino nga bang inspirasyon ko? magulang, kapatid, kaibigan.. madami sila.. iba’t-ibang klase ng tao pero nagiiwan ng bakas sa buhay ko.. pero may isang tao lang talaga akong tinuturing na inspirasyon.. un ay si Michel, ung bestfriend ko nung highschool.. pinakita nya sa akin na kahit na may sakit ka, di ito dapat hadlang para maging masaya.. na dapat mamuhay ka pa rin ng normal kahit na alam mong may taning na ang buhay mo.. oo, wala na si Michel, iniwan na nya kami nung 2001.. nung nawala sya, hindi ko malaman kung anong gagawin ko.. nawalan ako ng kaibigan, nawalan ng kausap, nawalan ng kakampi.. pero dahil din kay Michel naging matatag ako para harapin ang buhay.. nothing in this world is permanent but change, you just have to embrace it and learn from it..
ti-nag ako ni ate melai.. sabi dun sa tag..
Write a sentence or two about 7 people – without listing their names – who have inspired you recently!
sa tagal-tagal ko nang nagbo-blog, madami na akong blogger na nakilala.. may mga naging kaibigan kahit sa labas ng blogging world at ung iba nama’y nakakausap pa rin kahit na di na sila active sa blogging.. may mga blogger na ang tawag sa akin ay ate na ikinatutuwa ko naman dahil tinuring nila akong kapatid kahit na hindi pa man nila ako tuluyang nakikilala..
7 blogger na nag-inspire sa akin.. hindi pa sasabihin ung pangalan.. sino-sino nga ba kayo? hmmmm..
-
ikaw ang una dahil ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagpatuloy magsulat.. inampon mo pa ako at itinuring na kapatid.. di pa man tayo nagkikita, naging magaan na ang loob ko sayo.. totoong tao ka kasi.. :)
-
natutuwa po ako sa mga comments mo.. lagi kang may magandang payo at nasasakyan mo ang mga trip ng post ko.. lagi mong sinasabi maging positive ang outlook sa buhay kahit na binabato ka na ng kung anu-ano..
-
pareho tayo ng sitwasyon, long distance relationship rin kasi ang drama mo at ng asawa mo.. dahil sayo, natuto akong maniwala na pwede nga namang mag-work ang LDR basta mahal nyo ang isa’t-isa.. happy ako para sa inyo at sana makasama mo na sya.. ^_^
-
ikaw ata ung una kong naging ka-close dito sa blogging world.. may YM sessions pa nga tau kahit na nasa trabaho pa tayo.. marami akong natutunan sayo at di ka nagsasawang makinig sa mga kadramahan ko.. sayang nga lang at di ka na active sa blogging.. miss na kita sobra!
-
sa bawat kwentong iyong ginagawa, natutuwa ako dahil parang lagi na lang akong nakakarelate.. kaya rin siguro naging magaan ang loob ko sayo..
-
tinuring mo akong kaibigan o higit pa.. lagi kang andyan sa tabi ko, tinatanong kung ok lang ba ako.. ikaw rin ang takbuhan ko kapag medyo may problemang related sa puso.. sana ma-meet na kita, magiinuman pa tayo diba? :)
-
last but not the least, IKAW.. ikaw na laging dumadaan dito sa blog ko, para lang mag-HI o kaya mangulit.. salamat dahil pinapasaya mo ako dahil sa bakas na iniwan mo sa blog ko.. ^_^
kanino ko ibabato itong tag na ito? kina roselle, rho, komski, vanny, kuya master at sayo na nagbabasa nito.. gusto kong malaman kung sino ang inspirasyon nyo.. ^_^













yeheeeeyyy… una ako!!!
may mga tao talaga na malakas ang impak sa buhay natin na kahit mga simpleng gestures lang… means a lot! you’re so lucky to have these people in your life karmi!! :)
weekend na!!! yaaaaaaaaay!! alam ko off ka! korek??
kung ako nasa kalagayan mo mgging inspiration ko dn yang bestfriend mo :)
aww ang sweet naman ng mga sinabi mo para dun sa mga fellow bloggers na nag-inspire sayo =)
waaahhh na-tag ako.. ahehehe. hmmm.. magandang post to ah.. cge, nxt post ko gagawin yan..not necesarily a blogger nmn db? =)
iba talaga pag inspired.. hahayyy…
i’ll link u ha.. sana ok lang syo…