so.. now what?

Posted almost 5 years ago blabbers

isang post ng pasasalamat sa lahat ng nakaalala at bumati sa akin..

..Thank you..

.. pareko. 2 araw kitang di nakausap pero sabi mo nga bumawi ka nung birthday ko na talaga.. nahabol naman pare, pinasaya mo ako.. :) iloveyou

.. besis. salamat sa text mo, sakto ka ring alas-dose eh.. i miss you!

.. sa barkada kong es2pidas. salamat sa bati at sa package na pinadala nyo.. miss ko na kayo!!

.. sa mga barkada ko noong highschool at college. salamat sa paulit-ulit na pagbati sa akin..

.. sa mga bumati sa akin sa friendster. salamat sa mga simpleng comment at message..

.. sa bumati sa akin sa facebook. si ate melai un! ^_^ buti na lang may facebook.. boozemail! hehehe.. (ate, wala na ung tagged na account ko, kaya di ko nakuha ung bati nyo.. :( salamat na din po.. ^_^)

.. sa mga bumati sa akin sa multiply. may dahilan na rin akong buksan ung account ko dun!

.. sa mga bumati sa akin dito sa blog. salamat, sobrang salamat!! ^_^ di nyo lang alam kung panong napasaya nyo talaga ako.. special mention nga pala sina ate karen at parisukat na kinantahan pa talaga ako.. :)

.. sa mga nagoffline message sa YM. kahit na offline ako, salamat sa pagiiwan ng pagbati..

.. sa mga nagtext at tumawag sa akin. salamat sa konting oras na binigay nyo para mabati ako…

(ngayon ko lang na-realize, nagkalat na pala ako sa WWW! hehehe.. kulang na lang pati sa youtube account ko may bumati rin.. ^_^)

basta sa lahat ng nakaalala.. salamat.. sobrang salamat….

******************************** 

i am officially 23 years old, now what?

i don’t know..

another year older, but i don’t feel any different.. my “soon-to-be lawyer” bestfriend told me that it is legally possible to get married at the age of 23.. hmmm, have to put that in my to-do list! hahaha….

i was browsing through my pictures and found this one.. i think i was 1 or 2 years old back then, my mom told me that i LOVE dolls.. growing up, i remember having Barbie dolls and Hello Kitty stuff toys around the house..


cute! ^_^

just last week, we went to the Disney Store (ilove Disney Store!) and found this.

 
want this for Christmas!! only $125.. donations anyone? :)

one things for sure, though i am a year older, i’m always gonna be a kid-at-heart.. :)

Incomplete

Posted almost 5 years ago Uncategorized

Thesis lab

Wala man lang akong ginagawa sa magulo na naming thesis prototype. Kasi naman, ang dami-dami kong naiisip na gustong gawin, at mukhang yun ang pinaka-ugat ng aking kawalan ng gana sa pagtatatrabaho. Masyado akong natuwa, na-overwhelmed, at napako, sa kaiisip…. na naman. Kasi naman, ang dami-daming balakid sa pag-usad ng aming proyekto. [Warning: Programmer's rants ahead]

Una ay sa kakulangan namin ng kagamitan upang masubukang mapagana ang mga programs na aming pinagkakapuyatan. Kaming tatlo ay may kanya-kanyang cellphones ngunit isa lamang sa mga ito ang may kaya sa kung ano ang gusto naming mangyari, ang magrun ng java applications na gumagamit ng native methods. Isipin mo naman, paano ka gaganahan magcode kung alam mo naman na hindi mo matetesting kung gumagana yung ginagawa mo. Para kang magluluto nang alam mong wala namang kakain, kahit ikaw. Oo, kahit ikaw.

Gumagamit naman kami ng emulator sa pc pero siyempre, hindi naman papayag ang mga judges kung ganun. Dapat totoo, real-life. Analogy ulit: Parang, tingin mo, papayag ba yung judges na iimaginin lang yung lasa ng niluto mong pagkain? Siyempre dapat matitikman nila, haay. Maganda pa'y bigyan nila kami ng compatible devices!

Ayoko na nga, naaasar talaga ako, haha. Pero natutuwa naman talaga ako sa aming project, at gusto ko siyang magkatotoo. At dapat lang, dahil ayoko nang magthesis ulit next year. Maganda talaga yung project, considering na papalaki nang papalaki ang storage capacity ng mga mobile devices at ang data connection rates between them.

Ayoko na, sana may bumatok lagi sa ulo ko para magtrabaho. Kailangan, dapat, sana. haay. At kita mo naman kung anong pinaggagagawa ko habang ang mga kagrupo ko ay nagcocode, hehe. Galit na panigurado sila sa akin. Ang tamad ko kasi e, asar.

Oo nga pala,  baka hindi ko na makumpleto yung pito na kailangan para sa tagged entry, hehe. Hanggang lima lang talaga, wala na akong ibang maisip pa. Hindi naman pwede pilitin. Isusulat ko na siya next time=) Inspire me, at baka maisama pa kita sa listahan, hehe=)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.