Alas-dos ko kanina ginagawa 'tong post na ito, kaya lang ay tinigilan ko dahil may kung anong puting bagay ang dalawang beses na dumaan sa aking tagiliran. Kita mo namang black ang blog ko kaya madaling makita ang reflection ng mga nasa likod mo, kung titigan mong mabuti. Haha, tinakot ko ang sarili ko=)
Dali-dali kong shinutdown ang pc at sabay takbo, papanik sa aking kwarto. Ni hindi na nga ako nakapag-cr, hehe. Nakapanuod kasi ako ng noypi na puro tungkol sa multo at third-eye people, 'tas nagpunta sila sa iskul namin at dun pa sa may tapat kung saan kami sumasakay kapag gabi nang umuuwi galing sa paggawa ng thesis, dun pa sila naghanapan at nakahanap ng multo , haha. Ayoko na.
Meron nga pala akong online script dati, that lets anyone place sadako in their pictures=) Yun yung ginamit ko e, hehe. Pero medyo hindi siya gumagana as expected.
Takot ako sa dilim, kapag mag-isa lang ako, dahil kung anu-anong bigla ko na lang maiisip, hehe. E madali ko namang mapaniwala ang sarili ko.














haha. angganda nmn ni sadako. mgppa-picture nnga lang andun pxa sa malayo. :)
mdyo shy type si sadako ha..
mas halata kasing edited kapag sa malapit, haha. pero ok rin yun, para “nanadya” talaga. Siguro kapag group picture=) sige, next year ulit
wag ka nga manakot.
asar to.
haha.
ako mas gusto ko sa dilim
kasi mas lalo kang walang makikita
diba?
kesa kung maliwanag
hainaku, mas nakakatakot ang hindi nakikita kasi naeescalate ang kung ano mang dapat ikatakot. Masyadong mapaglaro ang isipan ng tao. Kaya nga minsan, mas malaki?t magarbo pa ang tsismis kaysa sa katotohanan, mas binibigyan-pansin ang hindi nalalaman kaysa sa alam na, mas pinahahalagahan ang wala kasya sa kung anong meron. Hmmm, hindi naman nag-aaply sa lahat siyempre, hehe.
oo tama. nakakatakot sa darkroom. minsan hindi ako nakakapagdevelop ng mag – isa. pero minsan lang yun. mas madami nga naiisip kapag madilim. awoo. hapi haluween!!!
lalo na kung tahimik. mas maraming kung anu-anong sumusulpot sa isipan, hehe=) may marinig lang ng kaunting kaluskos, nakakagawa na tayo ng horror story, haha
down kasi minsan (minsan nga lang ba?) yung database server ng awardspace, asar. buti nga yun lang.
eeek. bgla naman akong kinilabutan dunsa pic mo. hehe, 3am na , di ako makatulog :C
yay! may nakaranas ng gusto kong mangyari, hehe=) kaya nga hindi ko nilagyan ng red circle, para hanapin si sadako=)
its all in the mind :)