dead spot kasi..

Add comments October 30, 2007 » 873 days ago
blabbers

panahon na naman ng katatakutan dahil malapit na ang Undas.. pero di ako magpo-post ng nakakatakot kaya idadaan ko na lang sa korny na joke..

pare1: o pano, text-text na lang kung san magkikita-kita sa sementeryo ha
pare2: text tol? eh baka hindi ko matanggap ung text mo..
pare1: bakit naman?
pare2: eh kasi sa sementeryo tayo pupunta diba?
pare1: eh ano naman ngayon?
pare2: tol, baka walang signal.. dead spot eh..

tapos na ung joke, so pwede ka nang tumawa… please tumawa ka!

ayokong magpost ng nakakatakot dahil matatakutin ako.. ayoko ring magisip ng kung anu-ano dahil gabi ang shift ko sa ospital na pinagtatrabahuhan ko..

ospital + night shift = perfect place and time for horror movies

********************************

since malapit na rin ang Undas, wag sana nating kalimutang ipagdasal ung mga mahal natin na nasa kabilang buhay na.. kung di ka man makakapunta ng sementeryo (dahil dead spot at dahil crowded ang mga sementeryo), pwede ka namang magalay na lang ng dasal at magsindi ng kandila sa bahay nyo.. ang importante eh ung naalala mo sila…

********************************

sana maging OK sa alright ang Halloween at Undas ninyo.. wag masyadong kumain ng madaming kendi, ibigay nyo sa akin ung sobra!! ^_^


thank you sa gift janis!!! :D

Mga Kahalintulad na Posts



13 Responses to “ dead spot kasi.. ”

  • melai says:

    sana di mo sinabing korny para tatawa sana ko lol!

    inunahan na kita ate, para di na ikaw ang magsasabing korny! :P

  • parisukat says:

    hehe ako naman natawa. hehehe mababaw talaga kiliti ko. :) kmi naman di nagcecelebrate ng Halloween kz bday yan ng tatay ko. hehehe

    happy birthday kay tatay! :)
    hahaha.. pareho pala tayong mababaw.. :P

  • aaawwwwwoooooooooo!!! naku naku, alam mo nakakatakot talaga sa orpital lalo na sa mga hallways na pagkadidilim. may nabasa ako, nurse sya sa isang hospital sa new jersey, nakasaksi sya ng nung pasyente na tumalon sa building tapos, simula nun, lagi na syang nanaginip ng tungkol sa babaeng yun.

    kamusta naman un? takutin pa ako… :P

  • malaya says:

    o ayan, tumawa ako, ha. dadamayan kita kahit korny yan.

    ***
    ingat na lang sa mga candies sa trick or treat dahil baka tainted with formaldehyde yan. hehehe. lam mo naman d2 sa Pinas.

    salamat sa pagtawa ate.. :)
    penge ng chocnut ate!

  • camilleeee says:

    hmm, kwentong pang halloween?..hehe me kwento din ako about jan.

    may nakita akong white lady… tapos…

    dumaan…

    tas…

    kwento ko nlng sa u pag OL ulit tayo ha ;). ingats.

    hahaha.. cge ate, kwento mo na lang sa akin sa YM.. after halloween.. :D hehehe….

  • gasti says:

    wag kang matakot na matulog mag isa..kasama mo naman si Lilia Cuntapay.

    happy halloween, all saints at all souls day sayo dyan…

    at sino naman si Lilia Cuntapay tol?!
    happy undas din sayo dyan… :D

  • kneenong says:

    har har har… honga tama si melai… sinabi mo kaagad kasi na korni eh hehhehehe

    at least natawa ka kneenong! :) hehehe..
    musta na? miss na kita ah…..

  • rey says:

    hi…salamat sa pagbisita ha…
    nurse kaba o allied medicine?kc totoong nakakatakot ang night shift pero ok lang basta di namamatay yung patient…salamat naman di pa ako namamatayan, at least not within my shift…

    hello, walang anuman.. :)
    di po ako nurse, sa computer operations po ako ng ospital nagtatrabaho.. nakakatakot lang na maglakad-lakad sa hallways lalo na sa gabi….

  • Aisha says:

    ganda ng gawa ng janis nu.. hehe haha nkktwa ksi sakto un tlg ang paninimula ng horros.. normally sa mga hospital lol weird haha

    yup! ^_^
    oo, sa ospital talaga…. creepy…….

  • ann says:

    May dinalaw kami dati sa hospital kasama ko pinsan ko, pagbaba namin sa elevator namali yata sya ng pindot sa number.Akala nya ay ground floor, basement pala, paglabas namin sa elevator ay morge pala yung binabaan namin. Ang bilis naming bumalik sa elevator…hehehe.

    nyahaha.. sa basement nga po ang morge ate, nakapasok na kasi ako dun! naghatid kasi kami dati ng namatay na pasyente nung nagtatrabaho pa ako sa ICU.. experience un na di ko makakalimutan… as in!

  • Janis says:

    KARMIKARMIKARMI hihihi

    haha DEADSPOT:)) korny pero natawa parin ako. hahahaha

    ganda nga, hospital + night shift. ayos to. :)) maganda ngang manood ng horror films sa lugar & panahon na yan. yesss plus may takutan blues pa.

    ayos displayed ang gift ko. hihihi :)
    *HUGS* para kay karmi dahil luv ko cya hehehe

    janisjanisjanis.. :)

    yihii.. natawa ka!! salamat.. ^_^

    di ako nanood ng kahit na anong horror movie before ako pumasok ng trabaho.. ayokong maparanoid! hehehe..

    syempre, display ko ung gift mo, labs din kita eh.. ^_^ mwah!

  • rey says:

    dumaan po ako…
    wahehehe…
    sarap ng bakasyon talaga…bakasyon ka din ba?

    walang bakasyon sa ospital eh.. hehehe.. ^_^
    salamat sa pagdaan..

  • webslave says:

    weew! hihih.. dapat nga naman d tau mga post nang nakakatakot dahil minsan matakutin dn akow.. waaaaaa.. aper ate!! hihi .. hapy undas dyna sa n u! .. still @ work.. sindi nlng tayu kandila sa station natin… lolx

    hahaha, oo, pareho pa naman tayong matatakutin kaya bawal ang pagpopost ng nakakatakot! :P
    usap na lang ulit tayo sa YM.. ^_^

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.