Nakita ko yung trailer nito nung nanood kami ni Tina ng Libera Me at ang nasabi ko, "Papanoorin ko ito". At nung isang araw nga ay nadownload ko na ito, yay! Kasi naman, parang kakaiba yung monster film na ito, na parang may comedy pa sa trailer, at tama nga ako. Una sa lahat, hindi ko ito matatawag na isang monster film.
Hindi ito yung film na sa umpisa ay may madidiscover na isang monster ang isang grupo ng mga tao 'tas yung kasunod na 60% nung film ay ang pagtakas ng mga bida mula dun sa monster habang isa-isa silang nilalapa, kinakain, hinihiwa ang katawan, sinusunog, o kahit na ano pa mang majestic na paraan na maisip ng director para mapatay ang isang human being na mabagal tumakbo. At kapag naubos na ang lahat ng mga character na hindi naman importante at ang natitira na lang ay mga bida o kung sino mang cute na character na alam mong mabubuhay sa dulo ay tsaka lang sila lalaban sa monster at siyempre, sila ang mananalo. Oo nga pala, darating ang mga militar/navy/seals/pulis sa dulo.
Tama, iba ang film na ito (Siguro kasi kakaunti at puro ganun ang napapanood ko, hehe).
Focused yung film sa mga tao, how they deal about the situation. First-hand onlookers, reporters, the goverment, the military, pati ang recklessly all-intruding foreign country, hehe. Pero siyempre, ang mga bida ay ang isang pamilya, na pilit tinutugis yung monster (haha, yung "monster") dahil sa umpisa nung film ay inabduct nung monster yung anak nung bida. Yung babae yun dun sa picture sa taas, ang cute niya di ba? Hehe, kaya lang teenager pa lang, haha.
Ang alam ng lahat ay patay na siya pero tumawag siya bigla dun sa tatay, isang gabi. Kaya lang ay ayaw naman siyang paniwalaan ng mga awtoridad. Kaya sila na mismo ang gumawa ng paraan para irescue ang kanyang anak, habang pilit silang hinuhuli ng mga pulis at mga taong interesado sa reward money.
Puno ng drama 'to. Mas matimbang nga ata yung drama kaysa sa horror part o suspense. Naiyak nga ako, o pinilit kong umiyak nung nasa operating table yung tatay 'tas ayaw siyang pakawalan nung mga doktor na pinagpipilitan na siya'y nababaliw na dahil sa isang virus. Kinalaban niya kasi yung monster 'tas nabahiran siya ng dugo. Siyempre gusto niyang sagipin ang kaisa-isa niyang anak, haay. 'Tas natawa naman ako nung naghostage siya at tinakot ang mga doktor na tuturukan niya sila ng kanyang dugo na may virus kuno, haha.
Kaya lang medyo ayoko ng ending, hehe. Eto nga pala yung trailer.





![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)








ayaw ko
ng mga ganitong klase
ng movies.
mapapanaginipan ko kasi e.
huhu
kakapanuod ko lang nito online! hahaha. last week lang yata.. tama ka, panget ng ending! hmf. nagkulang sa budget! ahaha.
@sexybitchy:: kakapanuod online?=) sa?n naman. yung pc ko nga nagkakacrash sa youtube, haha. Pero ok na rin, nagpramis kasi yung cute na girl na yun dun sa bata, eh. Asar.
@xienah:: Para kang kapatid ko. Minsan nga, lumubas na siya ng sinehan kasi hindi na niya kayang manuod, sa sobrang takot. Pero minsan, fear without the danger is fun (yun ay kung healthy ang heart, hehe).
nagustuhan naman namin ng ate ko ito
kaso minsan naguluhan lang talaga kami
kung comedy or drama ba yugn film..