Incomplete

No Comments » October 26, 2007 » 876 days ago
Uncategorized

Thesis lab

Wala man lang akong ginagawa sa magulo na naming thesis prototype. Kasi naman, ang dami-dami kong naiisip na gustong gawin, at mukhang yun ang pinaka-ugat ng aking kawalan ng gana sa pagtatatrabaho. Masyado akong natuwa, na-overwhelmed, at napako, sa kaiisip…. na naman. Kasi naman, ang dami-daming balakid sa pag-usad ng aming proyekto. [Warning: Programmer's rants ahead]

Una ay sa kakulangan namin ng kagamitan upang masubukang mapagana ang mga programs na aming pinagkakapuyatan. Kaming tatlo ay may kanya-kanyang cellphones ngunit isa lamang sa mga ito ang may kaya sa kung ano ang gusto naming mangyari, ang magrun ng java applications na gumagamit ng native methods. Isipin mo naman, paano ka gaganahan magcode kung alam mo naman na hindi mo matetesting kung gumagana yung ginagawa mo. Para kang magluluto nang alam mong wala namang kakain, kahit ikaw. Oo, kahit ikaw.

Gumagamit naman kami ng emulator sa pc pero siyempre, hindi naman papayag ang mga judges kung ganun. Dapat totoo, real-life. Analogy ulit: Parang, tingin mo, papayag ba yung judges na iimaginin lang yung lasa ng niluto mong pagkain? Siyempre dapat matitikman nila, haay. Maganda pa'y bigyan nila kami ng compatible devices!

Ayoko na nga, naaasar talaga ako, haha. Pero natutuwa naman talaga ako sa aming project, at gusto ko siyang magkatotoo. At dapat lang, dahil ayoko nang magthesis ulit next year. Maganda talaga yung project, considering na papalaki nang papalaki ang storage capacity ng mga mobile devices at ang data connection rates between them.

Ayoko na, sana may bumatok lagi sa ulo ko para magtrabaho. Kailangan, dapat, sana. haay. At kita mo naman kung anong pinaggagagawa ko habang ang mga kagrupo ko ay nagcocode, hehe. Galit na panigurado sila sa akin. Ang tamad ko kasi e, asar.

Oo nga pala,  baka hindi ko na makumpleto yung pito na kailangan para sa tagged entry, hehe. Hanggang lima lang talaga, wala na akong ibang maisip pa. Hindi naman pwede pilitin. Isusulat ko na siya next time=) Inspire me, at baka maisama pa kita sa listahan, hehe=)

:)

8 Comments » October 25, 2007 » 878 days ago
blabbers

happy birthday to me.

un lang…

12 Comments » October 23, 2007 » 879 days ago
emo daw

 isa lang ang hiling ko para sa birthday ko, un ay ang maging masaya.. wala na akong ibang gusto.. pero bakit ganito? 2 araw na lang bago ang aking kaarawan eh bakit lungkot-lungkutan portion na naman ako..

ganon ba kahirap maging masaya?

sabi sa akin, isipin mo lang na magiging masaya ka, eh magiging masaya ka nga.. pero pano kung kahit anong gawin mong isip at pilit na maging masaya eh di mo pa rin magawa.. para bang may pumipigil na maging masaya ka dahil alam mo na sa bandang huli eh di rin naman magiging happy ending..

tama ba naman ito? alam ko maraming bagay na ang ibinigay sa akin, kaya wala na akong karapatang malungkot.. pero dumarating talaga ata ang araw na parang di ka pa rin masaya.. na parang may kulang pa rin.. na wala ka na lang ibang magagawa kundi ang makinig sa malulungkot na kanta para mailabas mo ang iyong nararamdaman.. ayoko ng ganitong pakiramdam.. nakakainis.. nakakatamad…

oo, malungkot ako at di ito nakakatuwa.. wala akong malapitan.. dahil ung mismong mga taong kailangan ko ay sila rin ang dahilan kung bakit ako malungkot..

2 araw na lang birthday ko na.. pwede pa naman sigurong maging masaya kahit ung mismong araw ng birthday ko na.. sana.. sana lang talaga…

Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko

6 Comments » October 21, 2007 » 881 days ago
Uncategorized

Wala ako sa bahay nang buong araw kahapon dahil sumama ako sa annual ata na pilgrimage ng aming parokya. Pero hindi naman ako ganun ka-involve talaga sa aming church community. Gusto ko lang sumama dahil makakapasyal ako sa ibang lugar, hehe. Gusto kong maglakbay at makakita't makapunta sa iba't ibang lugar [eliserio: may apostrophe t na nga, edi wala na dapat hyphen]. Ang pupuntahan ay ang mga bayan ng Nagcarlan, Liliw, Magdalena at Pagsanjan, Laguna at Antipolo, Rizal para bisitahin ang kanilang mga simbahan. Pumunta rin kami sa Caliraya Lake para malula sa daan papunta dun at magkodakan sa may gilid ng lawa na isa palang reservoir na ginawa dati ng mga Amerikano at ngayo'y pagmamay-ari na ng nga mga Hapon at ginagamit bilang isang Independent Power Producer ng NPC.

Sa simbahan ng Nagcarlan ang setting ng Kampanerang Kuba. Sabi nga nung pari ay sayang daw at ubos na ang souvenir nilang kandila na kapag sinindihan ay gaganda na si Imang, hehe. Hmmm, parang yung lang ata ang naalala ko sa buong pilgrimage, hehe. Pero kung iteresado ka pa sa ibang mga nangyari ay narito ang aking picasa web album: Pilgrimage. Nag-enjoy naman ako sa trip=)

Magdalena Church

[about the title] Kung mas maaga lang tayo nagkasama, siguro ang daming mga bagay na tayong napagsaluhan, hehe. Dadalhin kita kahit saan. Isasama kita sa lahat ng aking lakad. Salamat at may camera na ako=) At least, camera sa phone.

so R-A-N-D-O-M

5 Comments » October 20, 2007 » 883 days ago
meme, so random

kapag wala nang masabi, daanin na lang sa smiley.. ^_^

sa isang chat session namin ni pare…

Love makes mutes of those who habitually speak most fluently.
Madeleine de Scudery

Read the rest of this entry »

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.