Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko

Posted almost 5 years ago Uncategorized

Wala ako sa bahay nang buong araw kahapon dahil sumama ako sa annual ata na pilgrimage ng aming parokya. Pero hindi naman ako ganun ka-involve talaga sa aming church community. Gusto ko lang sumama dahil makakapasyal ako sa ibang lugar, hehe. Gusto kong maglakbay at makakita't makapunta sa iba't ibang lugar [eliserio: may apostrophe t na nga, edi wala na dapat hyphen]. Ang pupuntahan ay ang mga bayan ng Nagcarlan, Liliw, Magdalena at Pagsanjan, Laguna at Antipolo, Rizal para bisitahin ang kanilang mga simbahan. Pumunta rin kami sa Caliraya Lake para malula sa daan papunta dun at magkodakan sa may gilid ng lawa na isa palang reservoir na ginawa dati ng mga Amerikano at ngayo'y pagmamay-ari na ng nga mga Hapon at ginagamit bilang isang Independent Power Producer ng NPC.

Sa simbahan ng Nagcarlan ang setting ng Kampanerang Kuba. Sabi nga nung pari ay sayang daw at ubos na ang souvenir nilang kandila na kapag sinindihan ay gaganda na si Imang, hehe. Hmmm, parang yung lang ata ang naalala ko sa buong pilgrimage, hehe. Pero kung iteresado ka pa sa ibang mga nangyari ay narito ang aking picasa web album: Pilgrimage. Nag-enjoy naman ako sa trip=)

Magdalena Church

[about the title] Kung mas maaga lang tayo nagkasama, siguro ang daming mga bagay na tayong napagsaluhan, hehe. Dadalhin kita kahit saan. Isasama kita sa lahat ng aking lakad. Salamat at may camera na ako=) At least, camera sa phone.

so R-A-N-D-O-M

Posted almost 5 years ago meme, so random

kapag wala nang masabi, daanin na lang sa smiley.. ^_^

sa isang chat session namin ni pare…

Love makes mutes of those who habitually speak most fluently.
Madeleine de Scudery

Read the rest of this entry »

YOU inspire me

Posted almost 5 years ago meme

sino nga bang inspirasyon ko? magulang, kapatid, kaibigan.. madami sila.. iba’t-ibang klase ng tao pero nagiiwan ng bakas sa buhay ko.. pero may isang tao lang talaga akong tinuturing na inspirasyon.. un ay si Michel, ung bestfriend ko nung highschool.. pinakita nya sa akin na kahit na may sakit ka, di ito dapat hadlang para maging masaya.. na dapat mamuhay ka pa rin ng normal kahit na alam mong may taning na ang buhay mo.. oo, wala na si Michel, iniwan na nya kami nung 2001.. nung nawala sya, hindi ko malaman kung anong gagawin ko.. nawalan ako ng kaibigan, nawalan ng kausap, nawalan ng kakampi.. pero dahil din kay Michel naging matatag ako para harapin ang buhay.. nothing in this world is permanent but change, you just have to embrace it and learn from it..

ti-nag ako ni ate melai.. sabi dun sa tag..

Write a sentence or two about 7 people – without listing their names – who have inspired you recently!

sa tagal-tagal ko nang nagbo-blog, madami na akong blogger na nakilala.. may mga naging kaibigan kahit sa labas ng blogging world at ung iba nama’y nakakausap pa rin kahit na di na sila active sa blogging.. may mga blogger na ang tawag sa akin ay ate na ikinatutuwa ko naman dahil tinuring nila akong kapatid kahit na hindi pa man nila ako tuluyang nakikilala..

Read the rest of this entry »

Walang magawa

Posted almost 5 years ago Uncategorized

happy

Ganito kapag walang pasok sa eskwela, 'pag walang nararamdamang pressure sa mga deadlines (dahil kahit sembreak meron), 'pag wala pang Willie of Fortune, at kapag wala pang bagong episode ng Naruto Shippuuden, kapag ganito at sa marami pang ibang kadahilanan, wala na naman akong magawa.

Marami rin akong kailangang gawin bukod sa wala (Hmmm, parang ang gara nun ah). Nariyan ang thesis prototype namin na ipapakita kay sir sa Biyernes. Nakatoka ako sa local file search sa mobile phone. Oo nga pala, ang thesis namin ay pinamagatang "P2P File Sharing over Bluetooth Ad hoc Networks".  At ang laki nga ng problema namin, dahil ang laking balakid ng Java Midlet Signing.

Kailangan kasi na certified ang application para makagamit ng native functions ng phone. At gudluck naman dahil 22,000 pesos ang certificate mula sa Verisign. At san naman kami kukuha ng ganung kalaking pera? Pero may option naman, sa Java Verified Program kung saan isa-submit mo ang application sa kanila for testing at kapag naging maayos ang lahat, ay ise-certify nila ang app for distribution. Ok di ba? Pero ang kaso, bawat submit mo ay magbabayad ka ng 15,000 pesos.

Pero hindi dun nagtatapos, dahil kapag may bug at hindi pumasa ang app sa kanilang standards ay ibabalik at ipapaayos sa iyo at kapag sinubmit mo ay panibagong 15,000 pesos ulit. Galing di ba? Pero eto pa, magbabayad ka ng 15,000 pesos kada phone model na gagamitin sa testing! Per phone model! (kung Nokia 6600, Samsung G65, LG U250, ganun) Nadepressed ako ng dalawang araw nung nadiscover ko ito last week.

Nagtag si chelsea tungkol sa huwaw, tagboard!™ na matagal ko na ring kinalimutan. Pero ngayon ay may mga bago na akong pangarap para sa service kuno na ito. Gusto kong gumamit ng gravatars, para makita yung picture ng mga nagtag, hehe=) Gusto ko rin gumamit ng photo hosting site para mas madali para sa mga users na mag-upload ng mga icons. Siguro magagawa ko ito sa bakasyon, summer siguro, hehe. Basta.

[Curse smartbro: hindi pwedeng mag-ftp dahil sa NAT infrastructure ng network na implemented nila]

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.