my oktoberfest with you

Posted almost 5 years ago inlove, writings

oct. 16, 2004

1am na ako nakalabas ng trabaho dahil sa dami ng ginagawa pero inintay mo pa rin ako.. sabi mo kasi midnight sale sa Robinsons kaya gusto mong pumunta.. pagbaba ko galing sa trabaho, andun ka nga at naghihintay.. naka-ilang stick ka na rin siguro ng yosi.. nilapitan kita at sinabing tara na, baka kasi matapos na ung sale.. sabi mo naman, wag na lang tayong pumunta sa Rob, mag-Cubao na lang tayo, Padis.. pumayag naman ako..

nag-taxi tayo hanggang Padis, kaso parang madaming tao kaya sabi mo tuloy na tayo ng Eastwood.. sakto, Biyernes, malamang may tugtugan doon.. medyo inaantok na ako kaya naman sabi mo sumandal ako sayo.. di ako makapaniwalang kasama kita ngayon.. sabi ko sa sarili ko, kahit san tayo magpunta ok lang, basta ikaw ang kasama ko.. alam kong safe ako kapag ikaw ang katabi ko..

Eastwood. andun pala ung celebration ng Oktoberfest.. mejo patapos na, pero madami pa ring tao.. muntik na tayong hindi papasukin ni manong guard dahil naka-sando ka lang kasi.. inalok ko ung jacket ko sayo, isinuot mo naman.. ayos, pumayag na si manong.. naglibot muna tayo saglit, at naghanap ng mauupuan.. inilibre mo na rin ako ng beer.. kwentuhan, hangga’t sa may makita tayong ka-batch natin nung college.. nakiupo tayo sa table nila.. nagkukwentuhan lang tayo nang tinanong tayo nung kaibigan natin..

kayo ba?

di ko alam kung sasagot ba ako, o hihintayin na lang kita.. di ko rin kasi alam kung anong isasagot ko.. ang sabi mo na lang, hindi.. tama, hindi naman tayo eh.. di naman ako nasaktan, masaya pa rin naman ako dahil kasama kita.. siguro mga 1 oras rin tayong nakipagkwentuhan ng sabihin mong iuuwi mo pa ako kaya mauuna na tayong umalis.. mejo late na rin kasi.. magaalas kwatro na un kaya naman mejo malamig na ang hangin.. nakalimutan mo atang suot mo ung jacket ko kaya ako naman ang nilalamig.. nung nakita mo ako, hinubad mo agad ung jacket sabay nilagay ito sa aking balikat.. hindi mo na rin tinanggal ung kamay mo sa balikat ko.. hinayaan kong protektahan mo ako.. hinayaan ko ang mga kamay mo sa balikat ko..

nagtaxi ulit tayo hanggang Cubao at mula Cubao ay nag-jeep na.. nang nasa St. Joseph na tayo, sabi ko wag mo na akong ihatid hanggang bahay.. alam ko kasi na may pupuntahan ka pa.. sabi mo na lang na ako ang bahala at magingat ako.. nginitian na lamang kita at nagpasalamat..

Read the rest of this entry »

One down

Posted almost 5 years ago Uncategorized

At least, nadagdagan ng tatlong oras ang oras ko bukas para sa pagrereview para sa mother-of-all exams, ang subject na may dalawa na akong entry posts, hehe…. [dan dara dan] ang CS 131 Finals. Ika ng ang kaklase ko, sa finals na ito masusuma ang lahat ng inaral mo sa matematika mula kindergarden hanggang kolehiyo. Kapag pumasa ako, ito na ang huli kong exam sa Math (sana sa buong buhay ko). Good luck to all of us=)

run, karmi, run!

Posted almost 5 years ago blabbers, buhay SATown

last Saturday, sumali ako sa isang marathon.. ung marathon eh para makapagraise ng funds para sa Spina Bifida Association of Texas.. bakit ako sumali? para naman may kapaki-pakinabang akong magawa sa buhay ko.. ^_^

nakatakbo na ba ako sa mga marathon? hindi pa.. first time ko ito kaya naman wala akong kaalam-alam kung ano ba ang dapat gawin.. malamang, tatakbo, pero di ko akalaing mahirap din pala.. 7:30am ung start nung marathon, 5K ung sinalihan ko at ng tita ko.. bale, 3.1 miles ung tatakbuhin, sabi ng kapatid ko, madali lang daw takbuhin un.. saglit lang daw ang 3.1 miles.. Saturday morning ung marathon, so Biyernes pa lang, nagpraktis na ako dito sa amin.. 6 na beses kong nilibot ung buong subdivision.. ayos naman, pagod, pero kaya naman.. ready na ko, un ang akala ko.. hehehe..

before 6am, nandun na kami ng tita ko sa lugar kung san tatakbo.. kukunin pa kasi namin ung mga t-shirt na binayaran namin nung nag-register kami.. may number pa, astig, feeling ko tuloy talagang mananakbo na talaga ko.. hehehe… kaya rin kami maaga, para daw makapag-warm up kami sabi ng tita ko.. sige, takbo lang.. bago mag 7am, madami nang tao.. madami rin pala ang tatakbo, mapa-bata, matanda, andun lahat.. nakakatuwa lang panoorin ung iba’t-ibang klase ng tao na nagsasama-sama para makasali sa ganitong event.. dual-purpose nga naman kasi – nakatulong ka na, nakatakbo ka pa..

730am, nagsalita na ung host mismo.. paikot lang pala ung tatakbuhin namin, sabi ko sa sarili ko, saglit lang siguro un.. nagpuntahan na lahat dun sa start line, at inintay na patunugin ung horn na hudyat na simula na ang marathon.. sabi ng tita ko sa akin, basta hinay lang daw sa takbo, wag daw bibilisan kung hindi naman kaya ng katawan, at higit sa lahat, mag-enjoy.. ^_^ nang marinig ung horn (di ko alam kung anong tawag dun sa tagalog eh.. hehehe), nagsimula na ang takbuhan.. sa una, sabay-sabay kayong tatakbo, tapos hindi mo namamalayan, nauuna na ung mga kasabay mo.. tama nga ang tita ko, wag magmadali, dahil sa marathon, endurance din ang kailangan, hindi lang bilis..

Read the rest of this entry »

3G for Me

Posted almost 5 years ago Uncategorized

Picture 035

Matagal ko na itong hinintay, maraming beses nang nangulit nang paulit-ulit, walang sawang nagparinig, at minsa'y nagmakaawa effect pa. Heto na nga at hawak-hawak ko na… May bago na akong phone!

Sa wakas ay binili na rin ako ng LG KU250, ang phone model na nanalo sa "3G for All" program ng GSM Association.

Pero makabuluhan naman talaga ang dahilan ko para magpabili ng bagong phone. Dahil mahirap magprogram para sa isang device na hindi naman available sa iyo. Mahirap magtarget ng code at magdebug na rin kung hindi naman sa mismong device mo nira-run ang iyong program, kundi ay sa isang emulator lamang.

Bottom line is, kailangan ko ng bagong phone para sa aking thesis (na maaari kong ikwento sa susunod kong post). Yup, academic in nature, makabuluhan at may kabigatan ang aking rason, hehe. Minimal lang naman ang requirements ko para sa kailangan kong phone, basta ba may bluetooth at java-enabled (may jsr-82, jsr-75, atbp.).

Hindi ko alam kung bakit LG KU250 pa ang napili kong ipabili, hehe. Naistuck kasi, at wala na akong magagawa dahil nabili na, hehe. Masaya na rin naman ako=)

[Note: Naka 40+  takes ako sa pagkuha nung picture sa post na ito, hehe]. Ang hirap i-orient ang posisyon ng mukha ko, yung phone at nung webcam hehe. Ok naman. Sa wakas ay makakakuha na rin ako ng maraming pictues hehe=) Close na ito sa inaasam kong fully-pledged digital camera, dahil isa sa mga gusto ko ay ang pagkuha ng litrato. Bonus na rin ang video camera at mp3 player (OMG, pwede na kong manood ng anime episodes on the go, hehe).

Pero mag-iipon pa ako para sa isang microSD card, 675 pesos yung 1GB sa CDR-King pero siyempre ang gusto ko e yung 2GB na parang hindi ko nakita ang presyo (mukhang P1000+). Haay, sana magkapera na ako, sana makasali at manalo ako sa 1 vs. 100, hehe.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.