Milky Chicken Adobo Meal

6 Comments » November 30, 2007 » 841 days ago
Uncategorized

Biyernes ng umaga at walang pasok pero maaga pa rin akong nagising. Naaalala kong ginising ako ng nanay ko para sabihing aalis siya para sa isang meeting at, hehe, kailangan niya ng baon. Wala naman daw akong pasok kaya kukunin niya muna ang pera ko sa bag na nakahalang lang sa kung saan-saan.

Natulog ako kagabi nang maaga dahil masakit ang ulo ko, at naisip kong baka kulang lang ako sa tulog.  Pero pagkagising ko'y naramdaman ko ang kirot sa ulo ko, haay.

Tinanong ko ang nanay ko kung may gamot kami at nagpatimpla naman ako ng kape. Ayun, napabangon kaagad ako pagkagising, at minsan lang yun, hehe.

At walang ulam. Bumili ang ditse ko ng kalahating kilong manok at ako ang magluluto. Oo, kapag kaming magkakapatid ang natitira sa bahay, ang sistema e sila ang bibili at ako ang magluluto.

Dahil ako ang nag-aral, natuto, at marunong magluto. 20 years of  trial and error, hehe=) and counting.

Adobo na talaga ang all-time favorite ulam ko. Kung may irarank ko silang lahat (at marami sila, hehe), ay ito na ang number 1. Madali pang lutuin.

At para makumpleto ang the best almusal meal na ito, ay gatas ng kalabaw sa kanin=) Mmmm, sarap, hehe.

Rocker na nga ba talaga?!?

7 Comments » November 28, 2007 » 844 days ago
Uncategorized

P27-11-07_13.45

Dumiretso na kayo sa opisina ng Inhinyero 2008 sa 2nd Flr. ng German Yia Hall at kumuha ng vote stub at isulat ng number 5, pagkatapos ay ihulog sa fish bowl-turned-drop box, para iboto ako bilang Best Creative Shot, o ha, hehe. Pwede rin ninyong itext ang <inhinyero> space <creative> space <5> at isend sa …. yan biro lang.

Alam ko naman na walang mararating ang litrato kong yan. Walang panama dun sa ibang 'di hamak na mas creative kaysa sa akin. Gusto ko yung naka-stockings ang ulo 'tas diaper lang ang suot at hinostage si teddy bear, haha. At the best si number 1, the god of plenty=) Pero siyempre, hindi ko sila binoto para hindi sila umangat sa standings, haha. Competitive 'to, pare.

Pero proud naman ako kasi naisip ko talaga yang shot na 'yan. Nangalap pa talaga ako sa kapitbahay namin ng microphone na hindi ata gumagana. Kita namang tinagpi lang ng masking tape kaya kita yung may white band sa hawak ko. Wala akong extensive na wardrobe kaya yung masikip kong jacket  na lang na green and black ang ginamit ko at ang urbanwhere na light green shirt na may black royal bird emblem print sa harap. Naisip ko ang lahat ng ito nung pauwi na ako, isang araw bago kami pumuntang studio na nasa may gitna ng CEU Manila (gitna talaga, weird nga e).

At ano ba naman ang isang rocker kuno kung walang fans=) kaya inaccomplice ko si tina, elaine at yung baklang nag-aayos sa amin para makijoin sa aking photo shoot, hehe, Sana nga mas marami pa para malubos-lubos na, kaya lang nahiya ako. Natuwa nga ata yung bakla dun sa akin kasi meron akong sariling ideya talaga, haha. Siya kasi yung nag-isip ng shot para dun sa mga nauna pa sa akin.

Naisip ko yung shot, nagawa ko naman gaya ng iniimagine ko (thanks sa photographer) at naappreciate siya ng iba by actually being chosen=) Minsanan lang mangyari ang ganun, hehe, kaya masaya.

Sana naman ay lumagpas man lang sa sampo ang bumoto sa picture ko, haha. Tatlo na kami kaya sana ay may pito pa. Hmmm, sana makita ko yung results.

Ano pang hinihintay mo? Boto na!

nawawala na naman si karmi…

8 Comments » November 27, 2007 » 845 days ago
blog update

wala. tulog. umalis.

masama pakiramdam. masakit ang ulo.

tuyo ang utak, walang idea. walang inspirasyon.

pero babalik din sya.

PRAMIS!

sisters 4ever

9 Comments » November 24, 2007 » 848 days ago
heart-to-heart

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Power of Two – Indigo Girls

naalala mo pa ba nung 1st year highschool tayo? nasa likuran lang kita, alphabetically arranged kasi ung seating arrangement.. ‘F’ nagsisimula ung apelyido ko, ‘G’ naman ung sayo.. di pa tayo masyadong close nun eh, naguusap naman tayo pero may iba kang barkada at may iba rin akong circle of friends.. little did we know eh magiging more than bestfriends tayo, magiging sisters pa pala tayo..

nung birthday ko nung 2nd year, binigyan mo ako ng card.. sabi mo dun sa message,

Pls. tanggapin mo ang aking malugod na pagbati bilang iyong kaklase and always pray.

seryoso pa ung message mo sa akin noon.. bilang iyong kaklase.. bago matapos ang taon, unti-unti na tayong nagsabihan ng sikreto, ikaw din ung tinakbuhan ko nung inaway ako ng barkada ko..

4th year highschool, ito na ata ung taong memorable para sa atin.. di lang sa ating dalawa, kasama na rin si Raych.. dahil sa TV show na Charmed, naging Halliwell sisters tayo ng IV-Quezon.. ikaw si Prue, ako si Piper at si Raych naman si Phoebe.. sis na ang tawagan natin sa isa’t-isa.. kapatid na nga ang turingan natin kahit na ayaw mong maging panganay sa ating tatlo.. napadalas ang usapan sa telepono, kahit na buong araw magkasama sa eskwela.. nagpapasahan pa tayo ng mga sulat kahit na magka-row lang naman tayo at pwedeng magusap.. mali ung unang akala ko sayo, kala ko kasi tahimik ka, di naman pala masyado.. ^_^

tumungtong tayo ng kolehiyo, di nawala ung communication natin dahil sa iisang kolehiyo lang tayo pumasok.. paminsan-minsan nagkikita-kita tayo matapos ang klase.. di nabago ang samahan.. lalong napadalas ang tawagan sa telepono dahil bihira nang magkita.. kung kelan tayo naging close na talaga, saka naman may mangyayaring di natin inaasahan..

tumigil ka sa pag-aaral dahil sa sakit mo.. 1st yr highschool pa lang kasi tayo, may sakit ka na.. ilang araw ka ring di nakapasok noon.. sabi nung doctor, di ka na daw magtatagal.. pero kahit na sinabi na sayo un, namuhay ka pa rin ng normal.. pero nanalo pa rin ang sakit mo, kaya nagdesisyon kang tumigil muna sa pag-aaral.. kahit na nagstop ka na, di pa rin nawala ung samahan natin.. ganon pa rin, walang pinagbago.. minsan pa nga pinupuntahan ka namin sa inyo.. kapag may problema ako, tinatawagan kita.. lagi kang handang makinig.. pinararamdam mo na lagi ka lang andyan para sa akin.. ikaw ata ung unang taong nagsabi sa akin na wag akong masyadong mabait dahil ako na rin mismo ang nasasaktan.. madami kang nai-share sa akin, and i’ll always treasure that..

i miss you sis..

Nov. 24 na naman.. 24th birthday mo na dapat.. Happy Birthday.. hanggang ngayon, i can still picture your face and your smile.. hanggang ngayon, sa tuwing naririnig ko ung kanta ni Coco Lee na “Before I Fall in Love”, naaalala kita.. you taught me a lot of things, lalo na ung pagiging strong.. thank you for being part of my life..

i love you sis..

and you will always be my angel…

01072003

1 Comment » November 23, 2007 » 849 days ago
emo daw

[namehere]*,

hi.. i know medyo galit ka sa akin dahil di ako nakapag-explain ng maayos kung bakit ako nagdecide ng ganon.. minahal kita. as in mahal na mahal, kaya lang di ko kayang suklian ang pagmamahal mo para sa akin.. minsan feeling ko, you don’t deserve me, na may mahahanap ka ring babae dyan na mas mamahalin ka ng higit pa sa pagmamahal na binibigay ko sayo.. nag-aalala ako baka kasi kung anong maging epekto nito sayo.. walang ibang taong involved dito at wala kang kasalanan.. nasa akin ang problema.. ako ang natakot dahil baka di ako makatupad sa mga pinangako ko sayo.. wala kasing kasiguraduhan kung anong pwedeng mangyari sa atin after 1 month, 5 months o kaya one year.. pano rin kung umalis na ako? ayokong maghintay ka ng matagal dahil gusto ko ring makakilala ka ng ibang pwedeng magmahal sayo..

mahirap din para sa akin.. ayoko talagang mawala ka pero wala akong ibang maisip kundi ang palayain ka.. siguro matagal pa ako ulit papasok sa isang relationship.. ayoko kasing makasakit ng iba.. sorry talaga.. alam ko nasaktan kita ng sobra dahil sa nangyari, i really feel guilty.. try to love someone else there, move on, katulad ng gagawin ko.. you’ll always be a special part of my life. mahal na mahal kita na ayokong umasa ka sa hindi sigurado.. unfair para sa part mo ang maghintay para sa akin na kahit ako di ko alam kung ano ang mangyayari.. im willing to wait pero di ko alam kung hanggang kailan..

minahal kita at naramdaman ko ang pagmamahal mo kahit magkalayo tayo.. hindi ko lang talaga alam kung masusuklian ko ang pagmamahal mo sa akin..

sorry talaga.. kung andito ka lang, masasabi ko talaga lahat-lahat…

– carme

======

di ko pinadala ung sulat.

now i know how he felt that day when i broke his heart. too many broken promises and i am to blame. now i felt how to leave someone behind and to be left behind. it sucks.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.