kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • Aira Bongco: Wow cute contest. Very nice idea. May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also,...
  • enday: waaah… haba ng mechanics.. gusto kong sumali… haha.. hanap nga ako ng problema para madrama...
  • LJ: parang masaya ito! at parang ang galing mo ring mag-market :)) EMO nga ‘tas masaya hahaha. Pero oo, masaya...
  • jeniffer: ang sweet.. malayo man.. mararating din.. parang globe lang.. piniktyur pa talaga hehehe.. :) adik nga raw...
  • pmonchet: Ito na ang pagpapakalat ng contest. ang problema lang baka walang magbasa ng blog ko....
  • Rob: hindi man ako madrama, sadyang malungkot ang buhay ko. hindi nakakapagtaka na sa edad kong ito, hindi ko pa alam...

Subscribe to my feed




Undas 2007

The shot was right there, yung pinsan ko, playing, fascinated with fire, but i didn't take it. Kasi naman, andun nakapaligid ang mga kamag-anak ko at makikita nila ang gagawin ko, hehe. It was too awkward for me. Tinanong pa nga niya ako, "Bakit?". E tagal kong pinag-isipan kung kukuhanan ko siya o hindi, hehe. I have a heart of a photographer, I know it=) pero I do not have the courage, and the devices, hehe. Kung meron lang akong 5x zoom SLR camera edi ok na.

Kaya eto na lang ang nakunan ko, yung malapit sa aking kinauupuan. Mga batang kumukuha ng tunaw na kandila.

Ewan ko pero hindi ako dumaan dun nung bata ako. Hindi ako humawak ng kutsara o kampit at buong araw na nakasalumpok sa harap ng nitso ng aking kamag-anak at pinupuno ang isang baso ng tunaw na kandila o kaya'y gumagawa ng isang multi-colored ball of wax. At kung swerte ay kakilala ng nanay mo ang mga taong nagbabantay sa katabing puntod kaya makakuha ka na rin sa kanila. At kung dinibdib mo talaga ay lilibot ka sa buong sementeryo at mangongontrata, mag-eestablish ng teritoryo, at sasama sa isang grupo para lalong lumawak ang iyong network of sources for melted candles. At bago umuwi ay ibebenta na sa kaunting halaga bawat kilo. Sa Pandi e 4 pesos isang kilo, sa Sta. Maria e otso. Dati nga'y nilalagyan pa ng bato ang loob para bumigat, haha.

Hindi ako dumaan sa ganon, ewan.

Pero, I always was, and is still, fascinated with fire. Ginagawa ko ang lahat para hindi mamatay ang mga kandila. Nilalagyan ko ng kandila ang paligid ng mitsa para muli itong magliyab, kahit na pilit naman itong inaagaw ng ibang bata. Gusto nilang mamatay na yun para makuha na nila lahat, pero iba naman ang gusto ko. Buti na lang at ni minsan ay hindi ako napaaway.

Isang araw lang sa isang taon na hindi ka papagalitan ng nanay mo kapag nakita ka niyang naglalaro ka sa apoy, bakit mo naman papalampasin yun?

November 2nd, 2007 | meme

dahil wala na naman ako sa hulog magsulat, naisipan kong sumagot ng mga meme..

whats in a name?

karmi ang pangalan ko dito sa WWW.. mejo kapareho na rin sya ng tunay kong pangalan dahil iniba ko lang naman ung una’t huling letra nung pangalan ko.. nung bata ako, hindi ko gusto ung pangalan ko, kasi napakaiksi.. naiinggit ako dun sa iba kong classmate na mahaba ang pangalan tapos may nickname pa.. may nickname naman ako, pero sa bahay ko lang ginagamit un.. nung highschool na ako, at nagsimulang manood ng Dawson’s Creek, ginusto ko naman ung panglalaking pangalan tulad nung character ni Katie Holmes don.. parang cool kasi na babae ka tapos panlalaki ung pangalan mo..

pinasa sa akin ni kuya jlois ang meme na ito.. welcome back pala kuya! ^_^ naintriga ako sa kung ano nga kaya ang pwedeng maging pangalan ko.. at ito ang naging resulta..

YOUR ROCKSTAR NAME: (First pet and current car)
Bunny Mazda
(rak on! hahaha..)

YOUR GANGSTA NAME: (Fave ice cream flavor, fave cookie)
Vanilla Macadamia
(sobrang tamis naman.. di halatang pang-gang ung pangalan)

YOUR “FLY Guy/Girl” NAME: (first initial of first name, first three letters of your last name)
CFRA
(parang government agency lang ah…)

YOUR DETECTIVE NAME: (favorite color, favorite animal)
Yellow Dog

YOUR SOAP OPERA NAME: (middle name, city where you were born)
Anteola Marikina

YOUR STAR WARS NAME: (the first 3 letters of your last name, first 2 letters of your first)
FRACA

SUPERHERO NAME (”The” + 2nd favorite color, favorite drink)
The Blue Coke

NASCAR NAME: (the first names of your grandfathers)
Jaime Baldomero

STRIPPER NAME: (the name of your favorite perfume/cologne/scent, favorite candy)
Lovespell Twix

WITNESS PROTECTION NAME: (mother’s & father’s middle names)
Tendero Polo

TV WEATHER ANCHOR NAME: (Your 5th grade teacher’s last name, a major city that starts with the same letter)
Magpantay Manila
(bakit kasi un ang last name ng teacher ko…)

SPY NAME/BOND GIRL: (your favorite season/holiday, flowers)
Summer Rose

CARTOON NAME: (favorite fruit, article of clothing you’re wearing right now + “ie” or “y”)
Chico Shirtie

HIPPY NAME: (What you ate for breakfast, your favorite tree)
Bagel Oak
(di ko favorite ung Oak, narinig ko lang sa TV.. wala kasi akong maisip na puno ng mga oras na ito..)

YOUR ROCKSTAR ENTOURAGE NAME: (”The” + Your fave hobby/craft, fave weather element + “Tour”)
The Blogging Sunny Tour
(imbitado lahat ng blogger!)

YOUR PORN NAME: (First Pet + Name of street you grew up on)
Bunny Marang
(pangit ng last name! hahaha…)

**************************** 

second meme, galing kay ate camille.. ay lab u ate! ^_^

Seven facts about me:

Each player starts with 7 random habits/facts about themselves.

  1. Ginebra Kings fan. die-hard fan! lalo na nung si Jawo pa ung coach at nandun pa sina David, Hizon, Jarencio at Locsin.. maka-Alaska ung kapitbahay namin kaya naman todo asaran.. hanggang ngayon, kahit di na ako nakakapanood ng PBA, maka-Ginebra pa rin ako.. ^_^

  2. Bookworm. mahilig akong bumili ng libro at syempre magbasa.. may nakumpleto na akong Manga series, ung Kare Kano.. balak ko ngayong bilhin lahat ng libro ni Nicholas Sparks.

  3. Eye-to-eye. banlag daw ako.. banlag na singkit.. cute! hahaha..

  4. Guitar Hero. yan ang kasalukuyan kong kinababaliwan.. dahil di naman ako marunong mag-gitara, eh di ung laro na lang!

  5. Night shift. 1 year and 8 months na akong panggabi sa trabaho ko.. kelan kaya ako malilipat sa pang-umaga?

  6. Blogger since birth. 5 years na akong blogger… tagal na rin pala..

  7. Qoute unquote. nung college ako, mahilig ako at ung mga barkada kong gumawa ng sarili naming mga quote based sa aming experience.. kadalasan related sa pag-ibig! ^_^ ito sample:

“ANO BA NAGUSTUHAN MO SA KANYA??” “wala lang, kaibigan mo kasi eh..” “EH, ANO NAMAN KUNG KAIBIGAN KO??” “kasi kapag kaibigan mo, mabait, masarap kasama at nakakasundo ko,, katulad mo!” “AH, GANON BA.. EH BAKIT DI NA LANG AKO ANG MAHALIN MO??”

bakit di natin mapigilang magmahal sa hindi dapat? mahal mo kaibigan mo pero may mahal siyang iba.. pero nandyan ka pa rin nagtitiis ng sakit para lamang sa kanya.. ALAM MO BANG GANITO AKO SAYO? SANA LANG ALAM MO!!

halata bang broken hearted? hehehe.. :P

****************************

nga pala, may bigay sa akin si parisukat.. first ever award ko as a blogger.. :)

salamat.. ^_^

****************************

sana bukas-bukas, sipagin na ulit akong mag-isip ng ilalagay dito.. 

November na.. lapit na Pasko… ^_^ Merry Christmas sa inyo!!!