Light from melted candles

Post Info 1 year ago by komski

Undas 2007

The shot was right there, yung pinsan ko, playing, fascinated with fire, but i didn't take it. Kasi naman, andun nakapaligid ang mga kamag-anak ko at makikita nila ang gagawin ko, hehe. It was too awkward for me. Tinanong pa nga niya ako, "Bakit?". E tagal kong pinag-isipan kung kukuhanan ko siya o hindi, hehe. I have a heart of a photographer, I know it=) pero I do not have the courage, and the devices, hehe. Kung meron lang akong 5x zoom SLR camera edi ok na.

Kaya eto na lang ang nakunan ko, yung malapit sa aking kinauupuan. Mga batang kumukuha ng tunaw na kandila.

Ewan ko pero hindi ako dumaan dun nung bata ako. Hindi ako humawak ng kutsara o kampit at buong araw na nakasalumpok sa harap ng nitso ng aking kamag-anak at pinupuno ang isang baso ng tunaw na kandila o kaya'y gumagawa ng isang multi-colored ball of wax. At kung swerte ay kakilala ng nanay mo ang mga taong nagbabantay sa katabing puntod kaya makakuha ka na rin sa kanila. At kung dinibdib mo talaga ay lilibot ka sa buong sementeryo at mangongontrata, mag-eestablish ng teritoryo, at sasama sa isang grupo para lalong lumawak ang iyong network of sources for melted candles. At bago umuwi ay ibebenta na sa kaunting halaga bawat kilo. Sa Pandi e 4 pesos isang kilo, sa Sta. Maria e otso. Dati nga'y nilalagyan pa ng bato ang loob para bumigat, haha.

Hindi ako dumaan sa ganon, ewan.

Pero, I always was, and is still, fascinated with fire. Ginagawa ko ang lahat para hindi mamatay ang mga kandila. Nilalagyan ko ng kandila ang paligid ng mitsa para muli itong magliyab, kahit na pilit naman itong inaagaw ng ibang bata. Gusto nilang mamatay na yun para makuha na nila lahat, pero iba naman ang gusto ko. Buti na lang at ni minsan ay hindi ako napaaway.

Isang araw lang sa isang taon na hindi ka papagalitan ng nanay mo kapag nakita ka niyang naglalaro ka sa apoy, bakit mo naman papalampasin yun?

Post a Response Comment icon Posted November 2nd, 2007 at 4:49 pm

2 Responses to “ Light from melted candles ”

  1. xienahgirl

    sagabal ka
    sa pagunlad
    ng mga batang pilipino.
    hahahaha
    paano kung nagugutom na sila?
    di mo man lang naisip na
    yung kandila na yun
    ibebenta nila
    para maitawid
    ang nagugutom na sikmura?

    makasarili ka.
    gusto mo lang talaga
    maglaro ng apoy.
    hahaha

  2. komski kuno

    hainaku, hindi ko naman sinabing pinipigalan ko sila sa kanilang pag-unlad bilang isang batang pilipino. Tsaka, pusta ko, ibibili lang nila yung pera ng glow-in-the-dark sticks, bracelets, charms, hula hoops,bubble gum.

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.