Ano bang nangyari sa akin sa nakaraang isang linggong bakasyon? Wala…. Tama lang dahil bakasyon mode nga ako. Pero bakit parang hindi ko ata sinamantala ang panahong ito para lunurin ang katawan ko sa tulog? Kasi naman, ginawa akong nocturnal nitong asar na SmartBro[ken] na ito, na nananatiling unusable hanggang sa matapos ang Ysabella. Oo, exaggerated nga, hehe. Pero mas mabilis talaga kapag maghahating-gabi kaysa sa oras mula tanghali hangang hapon. Siguro kasi mainit.
At tama, wala akong maisulat, haha. Nung isang araw pa nga isang draft ang entry na ito, kaya pupunan ko na lang ng mga salita para makabuo ng isang post.
Gusto ko ng kape pero hindi ako heavy-drinker, depende lang sa kung anong ginagawa ko. Madalas na ang dahilan kung bakit ko natitipuhang magtimpla ng mainit na kape ay kung wala akong makain, hehe. Hindi naman kasi ako tinatablan ng caffeine na yan. HIndi nito napipigilan ang aking antok, at hindi rin ako umaasa na ganun. Nagkakape ako dahil sa gusto ko, sa lasa nito, at para may break na rin sa kung anumang aking ginagawa na paniguradong masinsinan dahil kinailangan ko nang magcoffee break=)
(Walangya, nanonood kami ng shutter sa GMA7 'tas biglang nasira yung screen, naging noise, sabi ko tuloy sa ate ko, "Naku, baka lumabas si Sadako diyan!", haha)
Madalas, ang kape ko ay hot and cold. Hot, kasi iinom ako nang katitimpla lang, siyempre. Cold, kasi kahit na nasa aking harapan ang baso ay paniguradong makakalimutan ko ito dahil sa aking mga ginagawa. Bigla ko na lang ulit maaalala na meron pa pala akong kape, hehe.
Pero ngayon, mas gusto ko na na iinumin muna ang kalahati pagkatapos ay palalamigin na muna bago ubusin=)
Ang panget ng post na ito, hehe=) ayoko, pero ipopost ko na rin para meron. Kapag bakasyon ako, wala talagang nangyayari. Matutulog na ba ako o maghihintay? Maghihintay sa ano?













