It’s half past 2

Posted almost 5 years ago Uncategorized

kape at keyboard

Ano bang nangyari sa akin sa nakaraang isang linggong bakasyon? Wala…. Tama lang dahil bakasyon mode nga ako. Pero bakit parang hindi ko ata sinamantala ang panahong ito para lunurin ang katawan ko sa tulog? Kasi naman, ginawa akong nocturnal nitong asar na SmartBro[ken] na ito, na nananatiling unusable hanggang sa matapos ang Ysabella. Oo, exaggerated nga, hehe. Pero mas mabilis talaga kapag maghahating-gabi kaysa sa oras mula tanghali hangang hapon. Siguro kasi mainit.

At tama, wala akong maisulat, haha. Nung isang araw pa nga isang draft ang entry na ito, kaya pupunan ko na lang ng mga salita para makabuo ng isang post.

Gusto ko ng kape pero hindi ako heavy-drinker, depende lang sa kung anong ginagawa ko. Madalas na ang dahilan kung bakit ko natitipuhang magtimpla ng mainit na kape ay kung wala akong makain, hehe. Hindi naman kasi ako tinatablan ng caffeine na yan. HIndi nito napipigilan ang aking antok, at hindi rin ako umaasa na ganun. Nagkakape ako dahil sa gusto ko, sa lasa nito, at para may break na rin sa kung anumang aking ginagawa na paniguradong masinsinan dahil kinailangan ko nang magcoffee break=)

(Walangya, nanonood kami ng shutter sa GMA7 'tas biglang nasira yung screen, naging noise, sabi ko tuloy sa ate ko, "Naku, baka lumabas si Sadako diyan!", haha)

Madalas, ang kape ko ay hot and cold. Hot, kasi iinom ako nang katitimpla lang, siyempre. Cold, kasi kahit na nasa aking harapan ang baso ay paniguradong makakalimutan ko ito dahil sa aking mga ginagawa. Bigla ko na lang ulit maaalala na meron pa pala akong kape, hehe.

Pero ngayon, mas gusto ko na na iinumin muna ang kalahati pagkatapos ay palalamigin na muna bago ubusin=)

Ang panget ng post na ito, hehe=) ayoko, pero ipopost ko na rin para meron. Kapag bakasyon ako, wala talagang nangyayari. Matutulog na ba ako o maghihintay? Maghihintay sa ano?

5 Responses to “ It’s half past 2 ”

  • komski kuno said,

    gudluck naman dun. may pasok pa.

    hindi pa ako nakakapasok ng starbucks, haha.wala akong plano, i mean, for coffee? e wala naman akong pera, hehe.

    yung ate ko, naaasar siya sa sarili niya kasi hindi siya masarap magtimpla ng kape, hehe. frustrated.

  • cathy said,

    nyak. i can picture it. i have this rotten habit of imagining how nights are like for my friends. reading about yours here is, hmmm, sad. anyway. maybe you can find your words soon. and the precious internet connection. :)

  • xienahgirl said,

    smartbro[ken]
    hahaha
    ayos yun.
    kaya pala lagi ka
    sa madaling araw
    tsk tsk tsk

    hindi naman ako
    nainom ng kape.
    nasusuka ako sa amoy
    baliktad ata epekto
    haha

    dati hindi ako nagistarbaks
    pero ngayon keri lang
    ewan.

    kasi siguro
    nasanay ako sa amoy ng kape
    dahil sa tagal dumating
    ng mga kaibigan ko.
    3hours.
    adikk sila diba?
    istarbaks pa naman
    ang meeting place
    namin nun.
    :)

  • karmi said,

    nung dial up pa ung internet ko dyan sa pinas, kadalasan mula 11pm hanggang madaling-araw ako online.. tapos papasok ng 7am! hahaha.. kamusta naman un.. :P

    di ako nagkakape, di nga ako marunong magtimpla eh.. pwera na lang kung may manlilibre sa akin ng starbucks..

    ^_^

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.