katatapos lang ng time change.. umatras ng isang oras, dahil tapos na ang daylight savings time.. ang dapat 2:00am eh naging 1:00am.. masaya para sa mga natutulog dahil may extrang isang oras silang tulog, badtrip para sa akin dahil 9 hours tuloy ang trabaho ko ngayon..
if only i could turn back time..
pano nga kaya kung pwede mong ibalik ung oras noh? na pwede mong i-rewind ung mga nangyari.. siguro madami sa atin ang mawawalan ng kasalanan, ang hindi na mai-inlove, ang magiiba ng desisyon dahil sa alam na nila ang kahihinatnan.. pwedeng-pwedeng itama ang mali o gawing tama ang mali.. kung pwedeng ibalik ang oras, di na natin masasabing “nasa huli ang pagsisisi” dahil kapag nagkamali na tayo, pwede naman na nating baguhin ito.. cool siguro kung pwede ngang maibalik ang oras.. siguro…
kung pwede ko lang ibalik ung oras, ano kayang gagawin ko? siguro, babalik ako nung 1st yr college ako.. first bf, first heartache.. gag*ng un, niloko lang pala ako.. kung pwede akong bumalik ng panahong un, magiging matalino na ako.. di na ako masyadong mai-inlove sa kanya.. o kaya naman, babalik ako nung birthday ko nung 4th yr highschool ako.. birthday na birthday ko kasi, nagalit sa akin ung barkada ko.. kung pwede ko lang ibalik ung oras, dadalhin ko na ung project namin para di na sila magalit sa akin, happy na rin ung birthday ko.. gusto ko ring ibalik ung kahit ilang minuto lang para napigilan ko ung sarili ko na i-text sya.. wala pa kasi syang reply eh, sana di ko na lang sya tinext kanina…
Time is the cruelest teacher; first she gives the test, then teaches the lesson.
di ko kayang ibalik ang oras, di rin naman masamang mangarap diba? pero may rason kasi kaya di natin maibabalik ang oras, un ay para matuto tayo.. para next times di na nating uulitin ung nangyari noon.. kaso, kung makulit kang tulad ko, mga ilang beses ka pa munang masasaktan bago ma-realize na mali pala ung ginagawa mo..
sana talaga di ko na lang sya tinext.. hay…
****
nga pala, happy birthday sa tatay at sa kapatid ko.. may extrang isang oras kayo para magcelebrate ng birthday… ^_^













ei…daylight na pala…di ko na namalayan kc la na ako sa callcenter..
hihi..
balik skwela nako bukas..
ayokong ibalik ang oras, mas gusto kong malaman ang mga mangyayari hinaharap=)
pero, hmmm, hindi na masaya kung pwede mong dayain ang buhay.
hayy sna pede ibalik ang oras :(
ganyan talaga ang buhay, mahirap ibalik ang kahapon, but life must go on, we must go forward… :)
kung maibbalik ko ang oras, sana nun pa ako nagbblog. may ‘outlet’ sana ako nun sa mga ‘katangahan’ ko sa buhay.. hayhayyyy….
manood ka na lang ng the butterfly effect :)
hmmn ako hindi ko na inaasamm na bumalik ang oras kasi masasayang lang yung mga natutunan ko sa mga oras na dinaanan ko e :)
ako rin may gusto akong balikan sa nakaraan – taon,araw o oras, kung puwede lang ano?
sino kayang genie ang mag-ga-grant sa atin ng ganyang wish?
oo maganda sya :0
hi karmi how r u? i missed your posts antagal ko ding hindi nkapag-net. well, i have new entries. bisita ka uli sa blog ko ha =) God bless
….kung maibabalik ko lang, ang dating ikot ng mundo…ang gusto ko ako’y laging nasa piling mo…(wala lang…senti lang po =)
mahirap kalaban ang oras
time is gold
time can heal wounds
time is in the eyes of the beholder…
time after time
time cuts like a knife..
tsk tsk tsk