1 year ago by komski Muli na naman akong mapapagod kakaakyat pataas sa matarik nitong driveway. Kung magdelubyo’y lulubog muna ang Math, Science, EEE, NIGS, MS bldg, at ilang pang mga istrakturasa sa paligid bago pa man umabot ang tubig sa unang baitang ng hagdan paakyat sa pinto. Ang thinking that aakyat pa ako ng hagdan dahil 2nd floor pa ang CS dep at nasa 3rd flr. naman ang mga labs. Malayo, mataas at maraming bulaklak, kulang na lang si Mother Mary at maituturing na kaming isang Grotto.
Ang drama-drama ko e isang linggo lang naman ako hindi pumasok, hehe.
Enrolment na kasi bukas kaya pupunta akong iskul. Kailangan maaga dahil kilala rin ang iskul namin bilang University of Pila, physical man or virtual. At hindi lang pilang basta-basta, dahil sa haba at gulo ng mga ito lalo na kung manual enlistment ng mga mabebentang classes tulad ng english at socio o yung mga rare tulad ng archery, ay pwede mo na silang gawing paksa ng isang dokumentaryo.
First-come, first-served ang karamihan sa mga ito pero para may excitement at thrill ay pwede naman ang bolahan. Ibigay mo lang ang ID mo at umupo sa tabi. Ilalagay nila ito sa karambola kasama ng iba pang mga ID, paiikutin at bubunot isa-isa para malaman ang swerteng mapagkakalooban ng slot. Biro lang yung karambola, hehe, pero ganun ang idea.
Yung isa ko ngang klase dati, kinuha nung instructor yung mga ID ‘tas inihagis. Kung kanino yung ID na bumagsak na nasa taas ang picture, o tsa, siya ang papasok, hehe. Sori yung matsub, unless kulang pa ang mga nanalo, dahil isa pa ulit round. Bizaare, parang perya ang enrolment, hehe.
Meron ding CRS, Computerized Registration System, na ang ginawa lang ay gawing virtual ang bolahan na ito dahil random ang pagbibigay ng slots. Pinapakiusapan ko nga yung kaklase ko na bigyan na lang kami ng slots kasi sila naman ang nagcode nun, hehe.
O siya, kailangan ko nang matulog para maagang makaluwas. Sana hindi bumagyo o anuman.
ok naman, nagbago na naman ng sistema, haay. Mas maganda na yata ngayon kaysa dati. Computerized na talaga. pero kelangan ko pa bumalik bukas kasi mamayang gabi pa ipaprocess yung ng pina-enlist na classes ngayon=) (hmm, bakit ba smiley yun?)
late ata ako ng gising, haha.
ingat pu sa inyung pagluwas :D
kamusta naman ang enrolment?