burnout

15 Comments » November 7, 2007 » 861 days ago
emo daw

di na muna ako magmamahal. di na muna ngayon. ipapahinga ko naman ang puso ko. nakakapagod na kasi. dumating na rin sa point na tama na. may hangganan ang pagiging tanga.

wala rin naman akong masisisi kundi ang sarili ko rin. umasa ako na pwede pa ngang maayos lahat. na pwedeng maging happy ending pa rin ang love story namin, pero di na pala. once na nawala na ung tiwala, wala na. di na talaga pwedeng ibalik. di pa rin talaga nagkakamali ang mga hinala at pakiramdam ko. pero sinunod ko ba? hindi. mas nakinig kasi ako sa puso ko.

wala na kami. para sa akin, wala na kami. wala na rin akong balak syang kausapin. di ko na rin kakayanin pang kausapin sya. tama na ung nalaman ko ang totoo dahil sa na-wrong send na text message. mas tanggap ko, mas hindi masakit.

oo, mamimiss ko sya. pero sabi ko nga, may hangganan ang pagiging mabait at tanga. ayoko nang masaktan ulit. ayoko na munang magtiwala pa.

nanghihinayang ba ako? mejo.

ang sakit lang kasi na niloloko lang pala nya ako all this time. sa tuwing nagsasabi sya ng iloveyou, mas nasasaktan ako ngayon. dahil kung mahal nga nya ako, di naman nya gagawin un. di nya ako sasaktan.

tapos na.

last na rin ‘to.

burnout na rin kasi ako…

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.