di na muna ako magmamahal. di na muna ngayon. ipapahinga ko naman ang puso ko. nakakapagod na kasi. dumating na rin sa point na tama na. may hangganan ang pagiging tanga.
wala rin naman akong masisisi kundi ang sarili ko rin. umasa ako na pwede pa ngang maayos lahat. na pwedeng maging happy ending pa rin ang love story namin, pero di na pala. once na nawala na ung tiwala, wala na. di na talaga pwedeng ibalik. di pa rin talaga nagkakamali ang mga hinala at pakiramdam ko. pero sinunod ko ba? hindi. mas nakinig kasi ako sa puso ko.
wala na kami. para sa akin, wala na kami. wala na rin akong balak syang kausapin. di ko na rin kakayanin pang kausapin sya. tama na ung nalaman ko ang totoo dahil sa na-wrong send na text message. mas tanggap ko, mas hindi masakit.
oo, mamimiss ko sya. pero sabi ko nga, may hangganan ang pagiging mabait at tanga. ayoko nang masaktan ulit. ayoko na munang magtiwala pa.
nanghihinayang ba ako? mejo.
ang sakit lang kasi na niloloko lang pala nya ako all this time. sa tuwing nagsasabi sya ng iloveyou, mas nasasaktan ako ngayon. dahil kung mahal nga nya ako, di naman nya gagawin un. di nya ako sasaktan.
tapos na.
last na rin ‘to.
burnout na rin kasi ako…





ayyyy….
speechless si ate… :-(
kahit ako nalulungkot din, haay (iwas muna ko sa lifehouse)
:( hirap talaga ng long distance relationship no? *sigh* mahirap magmahal. ouch.
Wala akong masasabi to make you feel better now. Take your time in wallowing in your sadness, depression, misery, whatever, ilabas mo na ang lahat ng sama ng loob ngayon para walang matira in the future. And believe that by the time na kaya mo na uli humarap sa mundo at sabihing “ok na ako”, ok ka na talaga and that the experience has made you a better person and not a bitter one.
(ay ako ba talaga si joiz?)
uhmmnnn, ganyan talaga buhay kapatid,, bata ka pa naman e me darating pang mas kesa sa kanya….saka nakyurios ako sa wrong send hehehe wrong send e di talo sya ng 25 ba o kinse? lol! yaan mo na sya..tama na ang isang araw na iyak para sa kanya.
pahamak talagang mga celphone yan! haaays… kaya ako walang kahilig hilig sa cp eh. wrong send ba? mukhang malupit yung natext kasi nagets mo agad..ibang klase! yaan mo na yun..tanga eh! wag ka papatol sa tanga. nakakahawa yun.
everything has a purpose – akalain mo ma wrong-send..
easy lang – its not your loss afterall..
uh oh! too bad! nang dahil sa text.. ayy…
wala na ba talagang pag – asa?!
……… his lost.
ate ame, buti at na wrong send din siya. kasi di mo malalaman di ba. Kawalan niya yun ate. bleed and bleed until you have nothing left. hehe. after some time, you’ll be ok. ako naman ate, move on na.. lav yah ate ame. next year ha! :)
Hahahaha! Ang kulet ng opening statement! Move on kapatid!
i do not know what transpired between the two of you but hey, life goes on…
if being with a person is a waste of time already, maybe its time to part ways and it will always be for the better of the both you….
i hope you are fine…wishing you happiness..
I don’t know what to say….. Alam ko kahit ano pa marinig mo ngayon andun pa rin yung pain. Isipin mo na lang, hindi lang ikaw ang dumadaan sa ganyan. Bata ka pa at mas marami pang darating.
Karmi… :(
oo nga bata ka pa at hindi lang ikaw ang dumaraan sa ganyan. lucky ka pa nga dahil maaga kang nauntog/nagising, ‘di tulad ng iba d’yan.
keep the faith, darating din ang tamang prince charming mo maybe when you least expect it. cheer up!
ouch! x|