tenk you!

10 Comments » November 10, 2007 » 862 days ago
blog update

mahirap para sa akin ang gumawa ng panibagong post kung ang sinundan ay medyo emotional para sa akin.. ni ayoko munang buksan itong blog para sumilip man lang o magbloghop.. nawala ako sa sirkulasyon.. pero ngayon ako’y nagbabalik.. sabi nga ni kuya master, move on kapatid! ^_^

dahil wala pa rin akong maisip isulat, gusto kong mag-thank you sa INYO.. pagbibigay ng mga advice at comments na talagang nakatulong sa akin.. salamat talaga.. di nyo lang alam pero nakakataba ng puso lahat ng mga isinulat nyo.. thank you po talaga!!

thank you lalo na SAYO! kilala mo na kung sino ka.. kaw ung kausap ko araw-araw matapos ung nangyari.. kahit kinukulit na kita, ok lang sayo.. tsong, salamat talaga!! ^_^ you’re the bomb! hehehe…

life goes on….

you’ve made me stronger by breaking my heart
you’ve ended my life and made a better one start

i can’t wait to start anew… ^_^

Eight random facts

13 Comments » November 10, 2007 » 862 days ago
Uncategorized

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa napilitan kaming umalis at pumuntang Tutuban para ibili ako ng family computer, haha. Isa ako dati sa mga itinuturing na hustler sa aming lugar, yung magaling maglaro, na makikita sa paghawak sa game controller na iba sa karaniwan, baligtad. Nakaka-100 lives sa World 3-1 ng Super Mario Land kahit na hindi na kailangan, kabisado ang mga itlog at heaven sa Island Adventures at nakatapos na rin sa Contra: the Alien Wars kasama ang isa pang hustler.

Naniniwala akong naubos na ang luha ko nung bata ako. I no longer cry, as much as i want to. Siguro part na rin dun is that I've expected the worst in everything. It wouldn't hurt so much kung nakahanda ka na sa mga mangyayari. I'm not a negative thinker, I just lay out all the possibilities that I could think of and weigh the chances of which will likely happen. Tama ka, I think too much.

Nanonood ako ng palabas nung gabing iyon. Siguro paborito ko yun kasi nagtimpla pa ako ng sunny orange sa pitsel naming stainless steel, yung pangcatering. Bakit ko naaalala? Kasi after an hour, sinugod ako sa ospital. Hindi ako nakahinga dahil sa lapot ng tinimpla ko, hehe. Grade 5 ako nun, after 2 years of inactivity, nagparamdam ulit ang hika ko. Adik ako sa cough syrup dati, pati na rin sa inhaler at nebulizer. Ventolin lang ang alam ko na gamot at Zadec. Up until now, this experience surfaces whenever I drink an artificially-flavored strawberry drink tulad ng pulang C2.

Hinawakan niya ang aking kanang kamay at sinalat ang likod ng aking palad. Sinubukan niyang iturok ang karayom sa aking ugat, para mailagay na ang dextrose. Tinapik-tapik ang aking kamay at nagdadalawang-isip na sinabing, "Hindi ko makita ang ugat mo ah". Kinuha naman niya ang kaliwa at inulit ang kanyang sinubukan sa kanan kong kamay, at muli siyang nabigo, "Hmmm, mas hindi ko makita dito, hehe". Binalikan na lang niya ang kanang kamay ko at pinisil na lang nang mabuti. Oo na, mataba talaga ako nung bata ako.

Kabisado ko, in one point of time, ang guide keywords ng aming Grolier's Encyclopedia: a-ann, ano-bas, bat-byz, c-cit, ciu-dam, dam-ele, elf-for, fos-gra, gre-hys, i-j… ewan ko na ang susunod. At feeling ko ay nabasa ko na ang lahat ng entries nito, lalo na yung mga may pictures, pero dati yun, nung elementary, hehe. Mahilig talaga ako magbasa.

Napapunta na ako sa guidance na kasama ang kaharutan; nakumpiskahan ng pinaglalaruang bolpen; iniyakan ng lalakeng(?) titser sa hekasi dahil sa kinumpiskang bolpen; pinatayo mag-isa sa labas ng klase dahil kumakanta (e music class pa man din), dahil hindi naman pinapakanta; pinaupo sa harap, kasama ng mga katabi, kasi maingay ang row namin; sinampal ng kaklaseng babae; pati ng rin ng kaklaseng bakla; pinatayo kami ng titser sa kabilang room sa labas ng klase dahil sobrang ingay, kahit na iilan lang ang may kasalanan, kasama na ako, at hindi kami umamin; mag-isang naiwan sa arcade ng minsang nagfield-trip sa shangri-la na binalikan lang ng kaklase at muntik na kami pareho maligaw dahil ang bus ay nasa parking lot pa ng megamall at sa ibang pinto kami lumabas; napalo ng patpat; at nabato na rin ng chalk. Ang mga Ito, kasama nung mga hindi ko na inalala o hindi sinabi, ay nangyari nung elementary ako.

Hindi ako nagpapadala ng forwarded emails. Maganda naman ang mga nakasulat sa kanila pero hindi nakailangang magbanta na mamalasin ako sa mahabang panahon dahil lang sa hindi ko ito ipinasa o mamatay ang mga mahal ko sa buhay makalipas ang pitong araw. Naniniwala akong hindi nito kayang hulaan o di kaya'y diktahan ang aking kapalaran, at kung may magmamahal man sa akin ay alam kong hindi iyon dahil lang sa sinabi ng isang email message. Alam kong mga tao ang nag-imbento ng computers, huwag kang magpapaalipin sa sarili mong nilikha. Oo na, OA na, hehe, just strip the words stating curse and forward the message.

Rebelde ako at mahilig sumalungat. Basahin mo na lang ang lahat ng mga sinasabi tungkol sa isang Aries, Fire Rabbit at Introvert Intuitive Thinker Judger kung marami ka pang gustong malaman=) dahil malamang ay tama sila, haha.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.