Umiyak ako ng umiyak hanggang sa napilitan kaming umalis at pumuntang Tutuban para ibili ako ng family computer, haha. Isa ako dati sa mga itinuturing na hustler sa aming lugar, yung magaling maglaro, na makikita sa paghawak sa game controller na iba sa karaniwan, baligtad. Nakaka-100 lives sa World 3-1 ng Super Mario Land kahit na hindi na kailangan, kabisado ang mga itlog at heaven sa Island Adventures at nakatapos na rin sa Contra: the Alien Wars kasama ang isa pang hustler.
Naniniwala akong naubos na ang luha ko nung bata ako. I no longer cry, as much as i want to. Siguro part na rin dun is that I've expected the worst in everything. It wouldn't hurt so much kung nakahanda ka na sa mga mangyayari. I'm not a negative thinker, I just lay out all the possibilities that I could think of and weigh the chances of which will likely happen. Tama ka, I think too much.
Nanonood ako ng palabas nung gabing iyon. Siguro paborito ko yun kasi nagtimpla pa ako ng sunny orange sa pitsel naming stainless steel, yung pangcatering. Bakit ko naaalala? Kasi after an hour, sinugod ako sa ospital. Hindi ako nakahinga dahil sa lapot ng tinimpla ko, hehe. Grade 5 ako nun, after 2 years of inactivity, nagparamdam ulit ang hika ko. Adik ako sa cough syrup dati, pati na rin sa inhaler at nebulizer. Ventolin lang ang alam ko na gamot at Zadec. Up until now, this experience surfaces whenever I drink an artificially-flavored strawberry drink tulad ng pulang C2.
Hinawakan niya ang aking kanang kamay at sinalat ang likod ng aking palad. Sinubukan niyang iturok ang karayom sa aking ugat, para mailagay na ang dextrose. Tinapik-tapik ang aking kamay at nagdadalawang-isip na sinabing, "Hindi ko makita ang ugat mo ah". Kinuha naman niya ang kaliwa at inulit ang kanyang sinubukan sa kanan kong kamay, at muli siyang nabigo, "Hmmm, mas hindi ko makita dito, hehe". Binalikan na lang niya ang kanang kamay ko at pinisil na lang nang mabuti. Oo na, mataba talaga ako nung bata ako.
Kabisado ko, in one point of time, ang guide keywords ng aming Grolier's Encyclopedia: a-ann, ano-bas, bat-byz, c-cit, ciu-dam, dam-ele, elf-for, fos-gra, gre-hys, i-j… ewan ko na ang susunod. At feeling ko ay nabasa ko na ang lahat ng entries nito, lalo na yung mga may pictures, pero dati yun, nung elementary, hehe. Mahilig talaga ako magbasa.
Napapunta na ako sa guidance na kasama ang kaharutan; nakumpiskahan ng pinaglalaruang bolpen; iniyakan ng lalakeng(?) titser sa hekasi dahil sa kinumpiskang bolpen; pinatayo mag-isa sa labas ng klase dahil kumakanta (e music class pa man din), dahil hindi naman pinapakanta; pinaupo sa harap, kasama ng mga katabi, kasi maingay ang row namin; sinampal ng kaklaseng babae; pati ng rin ng kaklaseng bakla; pinatayo kami ng titser sa kabilang room sa labas ng klase dahil sobrang ingay, kahit na iilan lang ang may kasalanan, kasama na ako, at hindi kami umamin; mag-isang naiwan sa arcade ng minsang nagfield-trip sa shangri-la na binalikan lang ng kaklase at muntik na kami pareho maligaw dahil ang bus ay nasa parking lot pa ng megamall at sa ibang pinto kami lumabas; napalo ng patpat; at nabato na rin ng chalk. Ang mga Ito, kasama nung mga hindi ko na inalala o hindi sinabi, ay nangyari nung elementary ako.
Hindi ako nagpapadala ng forwarded emails. Maganda naman ang mga nakasulat sa kanila pero hindi nakailangang magbanta na mamalasin ako sa mahabang panahon dahil lang sa hindi ko ito ipinasa o mamatay ang mga mahal ko sa buhay makalipas ang pitong araw. Naniniwala akong hindi nito kayang hulaan o di kaya'y diktahan ang aking kapalaran, at kung may magmamahal man sa akin ay alam kong hindi iyon dahil lang sa sinabi ng isang email message. Alam kong mga tao ang nag-imbento ng computers, huwag kang magpapaalipin sa sarili mong nilikha. Oo na, OA na, hehe, just strip the words stating curse and forward the message.
Rebelde ako at mahilig sumalungat. Basahin mo na lang ang lahat ng mga sinasabi tungkol sa isang Aries, Fire Rabbit at Introvert Intuitive Thinker Judger kung marami ka pang gustong malaman=) dahil malamang ay tama sila, haha.













addict din ako sa Super Mario.
hindi pa ako naco-confine sa ospital.
di ako naguidance nung elementary kahit na may nakaaway akong kaklasenagvandal ako sa CR ng mga babae.. ang swerte ko!
*buti pa tong tag ngawa mo.. :P samantalagang ung tinag ko sau, di mo pa ginagawa.*
hehehe.. ^_^
pero hindi ka mahina. hindi kailanman. bwahaha.
ang drama naman nun=)
nasabi ko na naman ang dahilan di ba?
opo kuya.. ^_^
hehehe nkktawa ung iba especially nung ngtimpla k ng juice. rebelde kb? pano ka nging rebelde? hmm, another blogpost idea for u :D
Oo nga no, ngayun ko lang narealize yung sinulat ko. Hindi ako rebelde, mahilig lang sumalungat, pero hindi sa mahilig, kundi sinasalungat ng isang karaniwang NT (intuitive thinker) ang mga bagay na pinaniniwalang niyang hindi naman makabuluhan (at tumama ang nabasa ko sa akin, hehe).
weow
sobrang RANDOM
tsk tsk
naku
hasler din ako sa lahat ng game console
movie ni jimmy santos iniiyakan ko
nung bata ako
sa sentido ako kinabitan ng Iv
dahil sa sobrang manas
ko dahil sa sakit ko
binasa ko na rin ang
encyclopedia namin
na may pictures
pero hindi ko kinabisado yung letters
hardcore yun
hindi ako nageemail
obviously,
lagi akong salungat sa nakasanayan
deviant ako.
haha
aries ang zodiac sign ko
year of the rabbit ako ipinanganak
dito na tayo magkakatalo,
extroverted personality kasi ako
hahaha
Ei, hindi ko kinabisado yung letters=) hehe, hardcore nga yun. Nakabisado ko lang through time, kababasa.random nga kasi it was what the tag is about=) 8 random things=)
haha, narealize ko lang, I was born 3 weeks early, kung pinag-igihan ko lang ng sipa, baka nagkapareho pa tayo ng birthday=)
ok lnag yan, bakit nga ba hindi napagtuunan ng mundo ngayon ang jackstone? e ang hirap-hirap gumawa ng ferris wheeltouchdown combo=)
haha. minsan na din akong naging hustler. hindi nga lang sa mga Super Mario etc. Haha. Hustler ako pagdating sa jackstone. =)
ibang level! kabisado ang grolier?s encyclopedia guide! hahahha.. para kang yung kuya ko.. pag walang magawa, encyclopedia ang hawak.. pero gaya mo.. dati yun.. hahaha.
wala naman kasing iba kaming libro dati bukod dun=) alangan namang yung libro sa iskul, edi ang korny naman nun, hehe. Edi parang nag-aral ako nun.