what’s in a bag?

14 Comments » November 13, 2007 » 854 days ago
meme

show me your bag and i’ll tell you who you are

di totoo ung saying sa itaas, gawa-gawa ko lamang iyon.. pero para sa akin, totoo yan.. malalaman sa bag ng isang tao kung ano ang personality nito.. kung girly ka ba, o sporty, organized o ‘artistic’..

mula noong elementary ako hanggang ngayon, di ako nahilig gumamit ng mga shoulder bag.. ung maliliit na bag na ang kasya lamang ay iyong wallet.. di ko trip, basta ayoko lang.. simula noon, backpack at messenger bags lang ang gamit ko.. mas malaking bag, mas mabuti.. gusto ko rin na naiiba ako.. ^_^

ngayong pumapasok ako sa trabaho, backpack pa rin ang gamit ko.. madalas akong lokohin ng nanay ko na bitbit ko daw buong bahay dahil sa laki ng bag ko.. di naman, mejo wala ngang laman ung bag ko eh.. gusto ko lang na ung backpack ang gamitin.. gustong malaman ni kuya pepe kung ano ba ang laman ng bag ko.. (salamat kuya! ^_^) sakto ung tag dahil medyo di ko na naaayos ung laman nito.. hehehe, now’s the time to do that…

yan ang aking pinakamamahal na bag..

ano ang laman? ano nga ba?

  1. Cellphone

  2. Susi ng bahay

  3. ID sa trabaho

  4. ballpen

  5. Hand Sanitizer at Key Chain na nakuha ko sa trabaho last October ata – (pansin na di ako nakakapaglinis ng bag)

  6. dalawang USB cables (isa para sa PSP ko at isa para sa Hard Drive)

  7. Organizer/Diary – buhay ko to!

  8. wallet

  9. PSP

  10. 120 GB External Hard Drive

  11. coin purse na walang laman

  12. isang libro – sa ngayon, The Wedding ni Nicholas Sparks ung nasa bag ko.. di ko pa nababasa, busy kasi sa trabaho..

un lang..

ikaw anong laman ng bag mo?

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.