Malamig na ang simoy ng hangin

8 Comments » November 14, 2007 » 856 days ago
Uncategorized

Sugarfree – Pasko Na Sinta Ko

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

CAL Xmas tree

Paborito ko na sigurong christmas song itong rendition ng sugarfree. Ang lamig kasi sa pandinig=) tsaka siyempre, love song, hehe.

Kahit na mainit pa rin ang sikat ng araw (kelan ba hinde) ay malamig naman ang simoy ng hangin, gayong malapit nang magtanghali. Nararamdaman ko na ang Pasko=)

Nagsimula na ring maglagay ng mga dekorasyon sa iskul, tulad ng mga parol, christmas tree at samu't saring palamuting pangsabit. Ang cute nung christmas tree sa may College of Arts and Letters. Ang laki-laki kasi nung space 'tas andun lang siya sa may gitna=) Sana may ganun din kami sa 'min.

May christmas lights na ata sa amin[cs] nang konti at sinimulan na rin ni manong guard ang paggawa ng isang malaking parol. Huli kong kita ay tapos na ang kawayan na frame nito. Sana matapos na, hehe=) Sakto, ang taas-taas ng building namin, kaya sana ay ilagay yun sa may bubong. 'Tas gumawa rin sana sila ng belen sa may baba, para kumpleto, mayaman naman ang library, hehe.

Haay, iskul. Buti may 8:30 class ko, kaya masusulit ko ang malamig na umaga sa UP, haha. Dati nga may 7am class pa ko nun. 6pm naman ang uwian ko=) Makakapaglibot pa sa gabi, hehe.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.