Malamig na ang simoy ng hangin

Post Info 1 year ago by komski

Sugarfree - Pasko Na Sinta Ko

CAL Xmas tree

Paborito ko na sigurong christmas song itong rendition ng sugarfree. Ang lamig kasi sa pandinig=) tsaka siyempre, love song, hehe.

Kahit na mainit pa rin ang sikat ng araw (kelan ba hinde) ay malamig naman ang simoy ng hangin, gayong malapit nang magtanghali. Nararamdaman ko na ang Pasko=)

Nagsimula na ring maglagay ng mga dekorasyon sa iskul, tulad ng mga parol, christmas tree at samu't saring palamuting pangsabit. Ang cute nung christmas tree sa may College of Arts and Letters. Ang laki-laki kasi nung space 'tas andun lang siya sa may gitna=) Sana may ganun din kami sa 'min.

May christmas lights na ata sa amin[cs] nang konti at sinimulan na rin ni manong guard ang paggawa ng isang malaking parol. Huli kong kita ay tapos na ang kawayan na frame nito. Sana matapos na, hehe=) Sakto, ang taas-taas ng building namin, kaya sana ay ilagay yun sa may bubong. 'Tas gumawa rin sana sila ng belen sa may baba, para kumpleto, mayaman naman ang library, hehe.

Haay, iskul. Buti may 8:30 class ko, kaya masusulit ko ang malamig na umaga sa UP, haha. Dati nga may 7am class pa ko nun. 6pm naman ang uwian ko=) Makakapaglibot pa sa gabi, hehe.

Post a Response Comment icon Posted November 14th, 2007 at 4:11 pm

8 Responses to “ Malamig na ang simoy ng hangin ”

  1. komski kuno

    hindi ata kami nagdecorate last year, o the year before last year and the year. and so on. Meron naman kahit papaano pero yung christmas lights lang sa kabilang bahay na nagrereflect sa mga bintana namin, hehe=)

  2. xienahgirl

    ayaw ko ng christmas
    ang lamig kasi.
    haha

    pero keri lang.
    boycot ata kami
    ng pasko
    wala man lang dekorasyon
    dito sa bahay
    tinatamad kasi magdecorate.
    pero yung decoration last year
    nakakabit pa naman
    hanggang ngayon
    so pwede na
    hahaha

  3. vanny

    kame konti pa lang decoration sa bahay.. pero sa office nmen, sa lbas lang merong decorations.. sa loob, wala. nyahahhaha.. :D

    di ako msyado xcited pag xmas eh.. pag xmas na kc meaning lapit na rin bday ko.. haayz.. gastos na naman. hehe

  4. dex
    dex

    yey lamig na ng simoy ng hangin. [tuwing gabi] moments i like best!!!!!! :D ako din komski, gusto ko ng christmas season hehe :D

  5. komski kuno

    hmmm, ako lang ata ang gusto ?pag christmas season, hehe=)

  6. komski kuno

    buti namanmerong sumali sa akin, hehe=)

  7. shai

    :( miss ko pasko sa pinas! nakakapangulila naman o. basta enjoy nyo talaga nang husto, daming naiinggit sa inyo jan pag pasko!:P

  8. komski kuno

    sige=) tatandaan ko yan=)

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.